Advertisers
PUMALAG ang Malacañang sa pagpuna ni Vice President Sara Duterte sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kaugnay ng pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato.
Sinabi ni Duterte, nabigo ang pamahalaan na maprotektahan ang mga bata dahil mas nakatuon ito sa pulitika.
Iginiit ng Palasyo na hindi totoo na walang ginagawa ang gobyerno laban sa mga insidente ng karahasan sa mga paaralan.
Ayon kay Palace Press Officer, Atty. Claire Castro, may mga hakbang nang isinasagawa ang pamahalaan upang tugunan ang problema at maiwasan ang pag-uulit ng mga ganitong insidente.
Sinabi ni Castro na hindi maaaring pilitin ang isang tao na maunawaan ang sitwasyon kung ayaw nitong intindihin ang mga hakbang na ginagawa ng administrasyon.
Dagdag pa ng opisyal, hindi pangkaraniwan ang ganitong uri ng karahasan sa mga paaralan kaya kaila-ngan itong tutukan ng mga kinauukulang ahensya.
Kabilang sa mga dapat pag-aralan ang mga posi-bleng dahilan kung bakit nasasangkot ang mga kabataan sa ganitong mga insidente.
Binanggit din ni Castro ang posibleng impluwensya ng gaming apps sa ilang kabataan, na aniya ay isang problema na hindi basta-basta maresolba. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)