Advertisers

Advertisers

Bea nainis sa work out paandar ni Iya; Ryza umamin, back to zero sa akting

0 332

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA post ni Iya Villania ng picture ni Drew Arellano sa socmed katabi ang tatlong anak at ang bago nilang baby na si Astro ay binati nito ng Happy Father’s Day ang mister.
Kasabay ng pagbabahagi ng larawan ng kanyang mag-aama ay nag-post din si Iya ng kanyang work out.
Dahil celebrity mom kailangan mapanatili nito ang body fit at kaseksihan.
Dagdag sa larawan ay ang kanyang pagwo-work out.
Kaya naman may ilang celebrities na humanga at napakomento sa balik alindog ni Iya.
Kahit nga si Bea Alonzo ay di napigil na mapakomento.
Dahil sa paandar work out ni Iya kaya naglitanya si Bea, ‘Nanganak ka ba talaga? Kainis naman!’
Kahit ang ilang showbiz friends na sina Camille Prats, Judy Ann Santos, Isabel Daza atbp. ay nainggit sa pa-work out paandar ni Iya.
Achieve ni Iya ang healthy body at di naman halata na may apat na itong anak.
***
Ryza Cenon, inamin back to zero; may takot sa pagpapalaki sa anak
HINDI itinanggi ni Ryza Cenon na back to zero ito kung aktingan lang ang pag- uusapan.
Mula kasi nung nagka-pandemic at kasabay na nagkaroon na ito ng anak na si Night, 3 years ay never na itong tumanggap ng offer.
Tulad ng ibang celebrity mom ay ganun din ang ginawa ni Ryza at di ito gumawa ng kahit na anong project.
Tutok ito sa pag- aalaga sa kanyang anak na si Night.
At dahil tatlong taong walang ganap ay umamin ito na tila nangangalawang na siya kaya back to zero ulit ang peg nito.
Lalo na nga raw na may big project siya sa kanyang comeback kaya need na aralin mabuti ang karakter na ipo-portray.
Sa pagpokus nito sa pag-aalaga sa anak ay nakakadama din ito ng takot.
Natakot si Ryza ngayong toddler na ang anak ay papasok na ito sa paglilikot kaya sana nga raw ay magabayan niya ito nang todo.
Well, well, well…’Yun na!