Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
MARAMING nagtatanong, lalo na ang mga tagahanga nina Xiam Lim at Kim Chiu kung kelan nila balak lumagay sa tahimik. Nasa right age na rin naman daw kasi ang dalawa para magpakasal.
“Itatago muna namin, then when we’re ready, we will announce it,” sabi ni Xian sa interview sa kanya sa Updated with Nelson Canlas.
Patuloy niya,”I don’t see myself getting married soon. Ang daming nagtatanong, ‘Xian, naniniwala ka ba sa idea of marriage?’ Yes, of course, I do. But marriage, I think ‘di siya minamadali,
“I’m well aware sa mga nagtatanong. Wala na akong masagot sa kanila. Nilalaro ko na lang talaga yung sagot ko. Sometimes, I say siguro mga 60 years old, 70, 80. It’s because I just play around.”
Wala pa raw talaga sa priorities nila ni Kim sa ngayon ang pagpapakasal.
Pero ayon kay Xian,”We love each other so much and that’s what’s important.”
Dinenay din ng aktor ang tsismis na nagpa-secret marriage na sila ni Kim at naghihintay lamang sila ng tamang panahon para aminin din ang tungkol dito..
“When the time comes, maybe I don’t know, maybe itatago muna namin then when we’re ready, we will announce it just like our relationship noong nagsisimula kami.
“Once it’s out there, ang daling puntiryahin, targetin, it’s so easy to take the happiness away. Ang daming elemento once you have it out there.”
“So I think dapat ilabas lang kapag ready ka na, parang bahay. Kapag solid na yung foundation ng bahay, hindi na ‘yan guguho eh, ‘di ba?”aniya pa.
Naniniwala kami na sa kasalan din talaga hahantong ang pagmamahalan nina Xian at Kim.
***
SA panayam kay Bugoy Carino sa vlog ni Karen Davila, inamin niya na sumagi sa isip niya na ipalaglag noon ang bata na nasa sinapupunan ng nobyang si EJ Laure, na isang varsity player. Natakot kasi siyang maapektuhan ang kaniyang showbiz career kung malalaman ng publiko na buntis si EJ.
Noong panahong iyon, 16 lang kasi si Bugoy, habang 21 anyos naman si EJ.
“Una po talaga ang desisyon namin ipalaglag na lang yung baby. Parang bata pa ko nun, hindi ko alam na buhay pala yung mawawala kapag ipinalaglag mo or something,” pag-amin ni Bugoy.
Patuloy niya,“Sabi ko sarili ko, o sige para lang mabalik yung career ko. Alang-alang sa family ko para makatulong ako talaga nang sobra at para mabalik yung mga shows na ibinigay sakin. Yung tiwala sa’kin ng ABS. Sige, ipalaglag na lang.”
Ngunit makalipas ang isang linggo, napagtanto ni Bugoy na para na rin siyang pumatay ng tao kung ipapalaglag nila ang kanilang anak.
“Kapag pinalaglag ko pala ito, parang ito yung isa sa pinakamalaking kasalanan na magagawa ko sa buhay ko.”
Ang isa pa sa nagpabago ng desisyon ni Bugoy na ipalaglag ang bata ay nang makausap niya ang ama na nasa Saudi Arabia dahil sa pinaalala nito sa kanya.
“‘Bunso, ‘pag ‘yan pinalaglag mo ang bata, huwag mo na kong tawaging tatay. Pag pinalaglag mo yan, di ka tunay na lalaki,’” sabi ng kanyang ama sa kaniya.
Kaya malaki ang pasasalamat ni Bugoy sa ama dahil ito ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob upang ipagpatuloy ang pagbubuntis ni EJ.