Advertisers

Advertisers

32 pang kaso ng Omicron BA.5 subvariant natukoy ng DOH

0 287

Advertisers

SINABI ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules na 32 pang kaso ng BA.5 subvariant ng Omicron ang natukoy sa bansa.

Bunsod nito, umaabot na ngayon sa 43 ang kabuuang bilang ng naturang subvariant cases, mula sa dating 11 lamang.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa mga bagong natukoy na kaso, 21 ang mula sa Western Visayas, mayroong tig-apat sa Calabarzon at Metro Manila, at tatlo naman mula sa Central Luzon.



Siyam sa mga ito ay mula sa workplace cluster habang ang tatlo naman ay mula sa household cluster.

Idinagdag pa ni Vergeire na ang 30 sa mga pasyente ay pawang fully vaccinated habang isa ang partially vaccinated. Bineberipika pa naman ang vaccination status ng isa pa.



Lima sa mga ito ay pawang asymptomatic habang 22 naman ang nakaranas ng mild symptoms, habang bineberipika pa ang sintomas ng iba pang pasyente.

Dagdag pa niya, hindi pa nila natutukoy ang exposure ng mga naturang indibidwal at inaalam pa rin ang travel history ng mga ito. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">