Advertisers

Advertisers

SPORTS CLAMOR: RAMIREZ PA RIN SA PSC!

0 202

Advertisers

PAGPASOK ng administrasyong Marcos,Jr. ay deklaradong bakante ang mga appointive position sa executive department na co- terminus kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagtapos ang termino noong Hunyo 30,2022.

Bakante ang mga puwesto at OIC muna ang may timon habang wala pang nanonombrahan si PBBM kabilang na ang mga appointive position sa Philippine Sports Commission( PSC).

May mga namuno ng mga kagawaran at kumisyunado sa pamahalaan ang dapat lang na mapalitan pero may mga mahuhusay,naging ekselente sa pamumuno ang dapat lang na ma-appoint muli ayon na rin sa klamor ng kanilang mga napaglingkuran mismo sa ating bayan.



Nariyan si PSC chairman William ‘Butch Ramirez na natatangi at eksepsiyonal ang kanyang pamumuno sa naturang ahensiyang pang-sports ng pamahalaan ( Arroyo at Duterte admin).

Patunay ng kanyang pagiging mahusay na pinuno ay ang di matatawarang malasakit at kalinga niya sa ating mga pambansang atleta sa elite at mula sa grassroot level na mina ng mga potensyal na magbibigay ng karangalan sa bansa.



Maging ang mga aktibidad sa sport na di kailangang makipagtunggali para sa medalya pati na ang indigneous sports ay binigyang halaga at atensyon ng pamunuan ni Ramirez na sistematiko ang programa katuwang ang kanyang board of Commissioners at mga rank and file ng kumisyunado.

Pinakamakinang sa panahon ni Ramirez sa PSC ay ang makasaysayang buwenamanong Olympic gold para sa Pilipinas na nakamit sa Tokyo Olympiad noong nakaraang taon.



Ang bayaning Pinay weightlfting Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz ay di magkamayaw sa kayang pasasalamat kay Ramirez at chief executive PRRD dahil sa kanilang malasakit at aruga sa kanilang atletang tulad niya ay nasungkit din sa wakas ang unang gintong medalya na naging mailap mula nang sumambulat ang naturang Olimpiyada sansiglo na ang nakaraan.

Overal title noong 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 ,regional at world championships at iba pang-international na bakbakan ang naialay ng ating mga bagong bayaning atleta na kahit na binagabag ng pandemya ay nanatiling mataas ang adrenalie na manalo at mamayagpag para sa bansa sa kumpas ni Ramirez at direktiba ni PDigong.

Kaya nga ang eish ngayon sa sports community magmula sa mga NSA ‘s,NOC,pribadong sports afficionados, coaches,trainers at mga atleta sa bansa,hiling nila ay muling i-appoint ni PBBM si Ramirez bilang chairman ng PSC para tuloy pa ang glorya sa sports ng nakakabangon nang Pilipinas.

Kung ipagpapatuloy ni Apo Bongbong ang build,build ,build ni Duterte ay marapat ding ipagpatuloy ang gold,gold,gold ni Ramirez-ang da best bilang pinuno ng pambansang palakasan… ABANGAN!