Advertisers

Advertisers

3 politiko nag-aagawan maging mayor sa Mt. Province

0 297

Advertisers

PARACELIS, MT. PROVINCE – Tatlong politiko ang umaakto at nag-aagawan ngayon sa posisyon ng pagka-alkalde sa bayang ito.

Sinabi ni Dr. Marcos Ayangwa na siya ang karapat-dapat na umupong alkalde ng bayan nang diskwalipikahin ng COMELEC noong April 19, 2022 ang kandidatura ng nanalong Mayor na si Avelino Amangyen.

Si Amangyen ay pinatawan ng parusang ‘Reclusion Temporal’ na may kaakibat na accessory penalty na ‘perpetual absolute disqualification’ o pagbakante sa isang tanggapan ng pamahalaan dahil sa kinakaharap nitong kasong PD 705 – Illegal Logging Law.



Ngunit sa resulta ng nakaraang halalan, nanalo parin si Amangyen sa pagka-alkalde nang makakuha ng 9,220 votes laban kay Ayangwa na mayroong 5,185.

Habang isinusulat ang balitang ito, pinaghahanap ng mga awtoridad si Amangyen nang ipag-utos ng korte ang pagda-kip sa kanya dahil sa kinakaharap na kaso.



Matatandaang naghain sa 2nd Division ng Comelec Central Office ng COC cancellation ang isang Franklin Talawec laban kay Amangyen at kalauna’y nagbaba ng desisyon na nag kansela ng kanyang kandidatura.

Batay naman sa DILG Order, kailangan kilalaning alkalde ng Paracelis si Vice Mayor elect Djarma Rafael dahil hindi pwede sina Amangyen at Ayangwa.



Dahil dito, naghain ang legal team ni Ayangwa ng Letter of Opposition sa DILG Central Office sa Quezon City para kuwestiyunin ang legal opinion ng DILG CAR na nagkokonsi-dera sa pag-upo ni Rafael.

Sa ngayon sina Ayangwa at Rafael ang umaaktong alkalde ng Paracelis dahil nagtatago ang sentensyadong si Amangyen kahit ito ang nanalong punong bayan.

Kaugnay nito, naniniwala si Ayangwa na COMELEC ang makakaresolba sa isyung ito dahil ang komisyon ang may mandato sa pagresolba sa legal question sa mga elective officials ng bansa.

Samantala, umaapela ang mamamayan ng bayan ng Paracelis na agarang resolu-syon ng isyung pulitikal sa kanilang bayan dahil apektado sila kung sino ang kanilang kikilanin na mayor.(REY VELASCO)