Advertisers
NILINAW ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na hindi na kailangan magsuot ng school uniform ng mga estudyante sa pagsisimula ng School year 2022-2023.
Ayon kay Duterte, ito ay upang maibsan ang hirap na dinaranas ng mga magulang dulot ng patuloy na pagtaas ng mga bilihin at epekto ng mga nawalan ng kita sa panahon ng pandemya.
“Even before the pandemic, it is not a strict requirement for public schools to wear uniforms (DepEd Order No. 065, s. 2010) to avoid incurring additional costs to the families of our learners,” ani Duterte.
Sa Agosto 22, 2022 ang itinakdang pagbubukas ng kasalukuyang school year.
Nabatid na mula Agosto hanggang Oktubre ay ipapatupad ang pinaghalong face to face at distance learning. Pagsapit ng Nobyembre ay ipapatupad na ang 5-day face to face learning. (Jonah Mallari)