Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
TRENDING at naging viral ang pagsulpot ng video clip ng naging sagot ni Nadine Lustre sa panayam sa kanya ng King of Talk na si Boy Abunda sa YouTube channel ng multi-award winning host.
Naitanong sa kanya ng Waray host kung gaano siya kayaman.
“How rich are you?”, tanong ni Tito Boy.
Sagot naman ni Nadine: “I’m rich because I’m contented. I count my blessings. It’s just understanding that what you have now is all that you need in life.”
Marami naman ang humanga sa matalinong sagot ng tinaguriang president Nadine.
Hirit tuloy ng kibitzers, hindi lang maganda ang aktres kundi may laman ang utak.
Dagdag pa nila, kung isasalang daw sa Q and A ang aktres, kakabugin nito ang mga kakontemporaryong sina Liza Soberano at Kathryn Bernardo.
Ito naman ang ilang komento ng netizens sa kanyang naging sagot.
“Tama naman si President Nadine. Hindi pera ang sukatan ng pagiging mayaman.”
“Winner ang sagot niya. Ipinagmalaki niya ang pagiging donya.”
“Kabog sina Kathryn at Liza. Sabaw lang sila kay Nadine.”
“Oo nga naman. Aanhin mo pa ang lechon kung kuntento ka na sa Mang Tomas.”
Pagkatapos ng Vivamax movie na “Greed”, balik si Nadine sa paggawa ng pelikula via “Deleter” isang tecno-horror movie na “Deleter”na ididirehe ng Mikhail Red.