Advertisers

Advertisers

SEN. BONG GO, NANAWAGAN NG BALANSENG STREAMLINING SA BURUKRASYO AT PROTEKTAHAN ANG KAPAKANAN NG MGA KAWANI NG PAMAHALAAN

0 192

Advertisers

SUPORTADO ni Senator Christopher “Bong” Go ang streamlining sa burukrasya upang matiyak ang mas mabisa, tumutugon at maaasahang pamahalaan.

Gayunman, binigyan diin ng senador na hindi dapat maapektuhan ang kapakanan ng mga empleyado ng gobyerno ng naturang inisyatibo.



Ginawa ni Go ang pahayag kasunod ng panukala ng Department of Budget and Management na magsagawa ng rightsizing  upang matanggal ang rendundancies sa government agencies at kanilang overlapping functions, na makatutulong sa pamahalaan na makatipid ng P14.8 billion kada taon.

“Sinusuportahan ko ang mga hakbang para ma-streamline ang burukrasya upang maging mas mabilis, maayos, at maaasahan ang serbisyong nakukuha ng mga tao,” pahayag ni Go.

“Ngunit sa lahat ng ito, dapat ding ikonsidera ang kapakanan ng mga kawani ng gobyerno na posibleng mailipat, mapalitan, o matanggalan ng mandato o trabaho,” dagdga pa niya.

Sa ilalim ng panukala, ang DBM ang magpapasya kung alin sa 187 government agencies at government-owned and -controlled corporations ang isasailalim sa rightsizing sa pamamagitan ng merging, restructuring o abolition.

Ginawa rin ang proposal makaraang lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang kanyang executive order, na nagre- organize sa Office of the President at pagbuwag sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at Office of the Cabinet Secretary.



Muli namang inihayag ni Go na kailangan protektahan ang kapakanan ng government employees na maaapektuhan ng rightsizing.

“When it comes to rightsizing, there should be a careful balance between eliminating redundancies and inefficiencies in the bureaucracy in order to provide public service that can help uplift the lives of Filipinos, while at the same time, protecting the welfare of public sector workers,” pagbibigay diin ng mambabatas.

“We must make sure that government workers who may be affected are given proper compensation, due process in accordance with civil service rules and other regulations, and when deemed necessary, alternative employment opportunities to start anew especially amid these trying times,” dagdag pa niya.

Kamakailan ay muling inihain ni Go ang E-governance bill para sa digitization ng paper-based iba pang traditional modes ng trabaho para sa mas epektibo at transparent na pagseserbisyo publiko.

“Kaakibat naman ng layunin ng bagong administrasyon na ayusin ang burukrasya ay ang mga panukalang batas na aking ipinaglalaban ngayon. Isa na rito ang E-governance Bill na ang hangarin ay mabawasan ang red tape gamit ang teknolohiya. Kasama rin diyan ang ating patuloy na laban kontra korapsyon na pangunahing sanhi ng pagkasayang ng ating public resources,” sabi ng senador.

“Sa kabuuan, suriin nating mabuti ang mga hakbang na ating gagawin upang balanseng malutas ang mga problema sa loob ng gobyerno at maproteksyunan din ang kabuhayan ng lahat ng mga Pilipino. Dapat walang magutom lalo na sa panahon ngayon,” paalala ni Go.

I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.