Advertisers
TATLO ang patay, kabilang ang 5-anyos na bata, nang paulanan ng bala ang kanilang bahay nitong hating-gabi ng Martes sa Mamasapano, Maguindanao.
Ayon kay Police Major Maximiano Gerodias, hepe ng Mamasapano Police, hindi pa nila batid kung ilan ang salarin sa pagmasaker sa pamilya ni Abdulkadir Matuwa, 53 anyos, isang magsasaka sa Sitio Pamalian, Barangay Mangungkaling, Mamasapano.
Sa pag-straf sa bahay, nasawi si Abdulkadir, kanyang misis na si Zahera, 32, at ang kanilang 5-anyos na anak na si Nhala, habang ang kanilang 9-month-old baby ay masuwerteng hindi nahagip ng mga bala.
“The baby was in a hammock and was asleep when the carnage happened,” sabi ni Gerodias sa panayam ng isang local radio station.
Ang sanggol ay kasalukuyang nasa mga kamag-anak ng biktima.
Narekober ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen ang maraming basyo ng bala ng Armalite rifle.
Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.