Advertisers

Advertisers

Sandamakmak na langaw, kasalo sa pagkakape sa Sorsogon

0 215

Advertisers

SORSOGON CITY – Wala pang nakakaabot na reklamo sa amin. Ito ang binigyang diin ni Pilar MHO-Sanitation Inspector III David Mandrilla Jr., sa harap ng reklamo ng mga taga Purok 6 Barangay Del Rosario sa bayan ng Pilar sa sandamakmak na langaw na dulot ng manukan sa nasabing lugar.

Pinanindigan ni Mandrilla na bagama’t maaari naman nila itong inspeksyunin, hindi pa umano nila ito nagagawa sa dahilang wala pang nakakaabot na reklamo sa kanilang tanggapan hinggil dito.

Bukod pa rito, kailangan din nila ng mga ebidensya upang maberipika at mapatunayan na talagang totoo ang naturang reklamo upang maisyuhan sila ng travel authority at mabisita ang nasabing lugar.



Una rito, ilang residente ng nasabing barangay ang nagpaabot na ng reklamo kaugnay ng nasabing problema kung saan nagpadala pa ang mga ito ng mga video at larawan bilang patunay ang pamemerwisyo ng mga langaw kung saan halos hindi na sila makakain ng maayos.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">