Advertisers
AABOT sa P43.5 milyong halaga ng iba’t ibang klase ng iligal na droga ang nasamsam sa buy-bust operation ng pulisya sa Barangay San Roque, Cubao, Quezon City.
Pinangunahan ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7 ang operasyon kungsaan natimbog ang mag-live in partner na kinilalang sina Riza Bilbao at Alvin Rapinian.
Kabilang sa mga nakuha sa mga ito ang: 1.5 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P10.2 million; mahigit-kumulang sa 85 kilos ng marijuana ( P10.2 million); mahigit-kumulang sa 35 kilos ng Kush (P4.9 million); 1 kilo ng cocaine (P5.3m); 7,594 piraso ng ecstasy (higit P12.9m).
Ang droga ay ibinebenta ng mag-asawa sa online.