Advertisers
HINDI marahil nakayanan ng isang soltero na dating pari ang depresyon dahilan para magpakamatay ito sa pamamagitan ng pagsunog sa sarili noong Biyernes sa Carmen, Cagayan de Oro.
Ang biktima ay isang 49 anyos, binata at residente ng Barangay Kauswagan, Carmen.
Sa report ng Carmen Police Station, natagpuan na lamang ang bangkay ng biktima na sunog sa madamong bahagi ng lugar ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang bahay.
Hinala ng pulisya, naligo ng gasolina ang biktima saka sinindihan ang sarili.
Ayon sa kaanak, nagtapos ng kursong Nautical ang biktima subali’t hindi ito nakasakay ng barko kaya nagpasya lamang ito maging pari.
Taon 2011 lumabas ng simbahan ang biktima dahil sa ‘di pagkakaunawaan ng kanilang Obispo.
Aminado ang pamilya na dumanas ng matinding pagsubok at nagkaroon ng depresyon ang biktima hanggang sa nauwi na ito sa mental breakdown.
Naniniwala naman ang pamilya ng biktima na walang foul play sa insidente.