Advertisers

Advertisers

Sunog sa Maynila: 1 patay; trak ng bumbero reresponde tumagilig, 4 sugatan

0 287

Advertisers

Na-hulicam ang pagtagilid ng truck ng Manila Fire District sa tapat ng isang gasolinahan sa Maynila na reresponde sana sa isang sunog sa Paco.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa Brgy. 866 habang binabaybay ng truck ang Pedro Gil papunta sa pinangyayarihan ng sunog.

Sa kuha ng CCTV, makikita nang makatawid ang truck sa isang intersection tila nag-alangan ang driver sa pagkabig ng manibela kaya’t nahulog sa ginagawang bahagi ng kalsada ang truck.



Nadamay sa aksidete ang isang nakaparadang jeep ngunit ligtas naman ang driver nito na si Kimpaul Retucsan habang isinugod naman sa ospital ang apat na bumberong sakay ng truck, na nasa mabuting kalagayan ngayon.

Samantala, isang residente naman ang namatay sa sunog na dapat sanang rerespondehan ng naaksidenteng truck.



Ayon sa Philippine National Police, dalawang palapag ng gusali ang nasunog na umabot sa ikalawang alarma.

Itinaas sa ikalawang alarma ang sunog na tumupok sa ilang kabahayan sa Favie St, sa nasabing lugar



Pasado 2:00 ng madaling araw na naapula ang sunog.

Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog at kung ilang bahay ang tinupok ng apoy gayundin ang mga pamilyang naapektuhan.