Advertisers

Advertisers

Ex-bgy. kapitan, 1 pa patay sa ambush

0 218

Advertisers

PATAY ang dating barangay kapitan at kasama nito nang tambangan sa Matalam, Cotabato.

Kinilala ni Lt. Col Jingle Parallag, hepe ng Matalam-PNP ang mga biktimang sina Felipe Sara Maluenda, 61, dating Punong Barangay ng Barangay Kidama; at Joseph Mariano Flores, obrero, at taga Alamada, North Cotabato.

Sa report, 7:30 ng gabi nang maganap ng krimen sa Purok 3, Brgy. Kidama, Matalam, Cotabato.



Ayon sa ulat, minamaneho ni Maluenda ang kotse kasama si Flores pagsapit sa nasabing lugar sa may tubuhan bigla na lamang sumulpot ang mga salarin at pinagbabaril ang mga biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen nakapulot sila ng mga basyo M16 rifle at .45-caliber pistol.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa plantasyon ng tubo.

Ayon kay Parallag, hindi na muna sila nagbibigay ng iba pang impormasyon laban sa mga salarin para hindi nabulabog ang ginagawa nilang imbestigasyon at agad na madakip ang mga salarin.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">