Advertisers
NASAWI ang isang pulis nang tambangan sa lungsod ng Bayawan, Negros Oriental, Lunes ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Corporal Rey Ambo, nakadestino sa 705th MC Regional Mobile Force Batallion 7.
Ayon sa imbestigador ng Bayawan City Police na si CMSgt. Archer Birjes, pauwi na si Ambo lulan ng kaniyang motorsiklo nang tambangan sa bahagi ng Sitio Ipil-ipil, Barangay San Roque.
Nagawa pang isugod sa district hospital ang biktima pero idineklarang ‘dead on arrival’.
Inaalam pa ng pulisya kung sino ang salarin at kung ano ang motibo sa pamamaril.