Advertisers

Advertisers

247 Residente hired on-the-spot sa Mega Job Fair sa Caloocan

0 303

Advertisers

Nagsagawa ng Mega Job Fair ang Pamahalaan ng Lungsod ng Caloocan na ginanap sa 3rd floor, SM Grand Central, alinsunod sa direktiba ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, kung saan 247 na residente ng lungsod ang hired on-the-spot ng iba’t ibang ahensya.

Katuwang ang Public Employment Service Office (PESO), Department of Labor and Employment (DOLE) at 46 na kumpanya kabilang ang SM appliances, Alorica, VXI, R.L. Food Corp., Puregold at iba pa, nakapaglaan ng kabuuang 6,156 na bakanteng posisyon para sa mga taga-Caloocan.

Nagpasalamat si Mayor Along sa PESO, na pinangungunahan ni Ms. Violeta Gonzales, sa kanilang dedikasyon at pagtugon sa hangaring magbigay ng oportunidad para sa residenteng naghahanap ng trabaho at kabuhayan, gayundin sa mga kumpanyang nakikiisa sa layunin ng pamahalaang lungsod.



“Sa ating mga kawani sa PESO, salamat sa inyo. Nakikita ko kung paano niyo tinutugunan ang paglalaan natin ng job opportunities para sa mga Batang Kankaloo. Salamat din po sa lahat ng kasama natin ngayong araw, lalo na po sa pamunuan ng SM Grand Central sa pagpayag na maisagawa ang Mega Job Fair dito,” wika ni Mayor Along.

Kaugnay nito, muling inatasan ni Mayor Along ang PESO na maghanap pa ng karagdagang 10,000 oportunidad para sa mga taga-Caloocan. Sa kabuuan, 20,000 job opportunities ang nais ihatid ng alkalde sa kaniyang unang 100 na araw.

“Kung kakayanin, gawin na nating 20,000 job opportunities para sa mga Batang Kankaloo. Sikapin nating makipag-ugnayan sa mas marami pang ahensya para mas marami nating mga kababayan ang magkaroon ng trabaho, lalo’t kinakailangan nating maka-rekober sa krisis,” pahayag pa ni Mayor Along.

Kasabay ng nasabing job fair, nagtayo rin ng “one-stop-shop” ang mga tanggapan ng pamahalaan kabilang ang Social Security System (SSS), Pag-IBIG Fund, Philippine Statistics Authority (PSA), Bureau of Internal Revenue (BIR) at iba pa para sa mga pangangailangan ng mga aplikante o residente ng lungsod.

Ayon sa PESO, magkakaroon din ng Mega Job Fair para sa mga naghahanap ng trabaho sa North Caloocan na gaganapin sa Caloocan Sports Complex sa Agosto 26.(BR)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">