Advertisers
ISANG 1973 model helicopter ang bumagsak sa loob ng Clark Freeport Zone sa Mabalacat City, Pampanga, Martes ng umaga.
Ayon kay Mabalacat Mayor Crisostomo Garbo, nasawi sa pagbagsak ang piloto na nakilalang Diosdado Lumandan, habang injured ang mga mekanikong sina Ivan Abiong at Rodley Esogon.
“Our thoughts and prayers are with the family of the victims of this unfortunate incident that happened this morning at the Clark Freeport Zone…” saad ng alkalde sa kanyang Facebook.
Base sa ulat mula sa Clark Development Corporation’s public safety division, sinabi ni Garbo na nagsagawa ng technical repair at test flight ng 1973 model MD369HS helicopter si Lumandan at ang dalawang mekaniko nang bumagsak ang helikopter sa bisinidad ng Nabcor area.
Sinabi ni Garbo na kaagad niyang inatasan ang kanilang City Disaster Risk Reduction and Management Office na tulungan ang unang responders mula sa Clark Development Corporation dahil ang chopper ay bumagsak sa lugar na sakop ng Mabalacat.