Advertisers

Advertisers

Dave mami-miss ang co-stars sa pagtatapos ng serye

0 334

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

SA pagwawakas ng Apoy Sa Langit sa Sabado, September 3, tinanong namin ang Kapuso/Sparkle hunk na si Dave Bornea kung sino o ano ang mami-miss niya sa kanilang top-rating GMA drama series.



“Well actually po lahat po talaga, lahat sila po. Medyo masyadong corny or masyadong cheesy but everyone po.

“Everyone from the cast sa crew, lahat po kasi sobrang luwag lang, hindi ko nararamdaman yung pressure when it comes to, pag nasa labas na kami ng taping kasi everytime na may rest day kami, ano talaga sobrang family talaga.



“Kumbaga nagkikita kami, nagtitipun-tipon kami, there are times na nakasama namin si direk na kumakain, and then sobrang ano lang talaga, sobrang gaan lang talaga.

“And this is the first time na meron kaming ganitong relationship sa lahat ng mga tao; from the cast, from the crew, from the production, and sobrang iyon, mararamdaman mo din talaga yung care, yung humility sa isa’t isa iyon talaga.



“Na alam mo yun, hindi ka outcast, hindi ka ano, we are all a family, parang ganun po.

“For me, itong show na ‘to, itong buong team na ‘to,  sobrang tagos po sila sa puso ko,” seryosong pahayag ni Dave sa mediacon via Zoom ng Apoy Sa Langit nitong Lunes, August 22, para sa finale week ng show na ang huling episode ay eere sa Sabado, September 3 sa GMA.

Maganda ang working relationship nilang lahat sa set ng Apoy sa Langit.

“Sobrang generous po when it comes to knowledge, ideas at kung ano’ng puwedeng i-tackle mo in the scenes, iyon po. At tsaka tulungan din po talaga e, tulungan din po talaga.

“Walang naiiwan walang maiiwan, ganun, mas lalong mong gagalingan or mas mamo-motivate ka kasi lahat po sa amin, sa kanila na ginagawa din talaga yung best para magawan ng magandang eksena.

“So iyon po.”

Supporting role si Dave sa Apoy Sa Langit bilang si Anthony na supportive boyfriend ni Ning played by Mikee Quintos at mahalaga rin ang kanyang karakter at mga eksena sa nabanggit na drama series.

“Ako po sobrang grateful po ako to be part of this show po, sobrang laking impact siya sa masa. And iyon nga po as my character po sobrang marami din akong nakukuhang aral when it comes to, kung paano mo ipaglalaban o kung paano ka mag-contribute or mag-ano sa isang relationship.

“So iyon po, lalo na pag ano. May natawa lang akong ano, gusto kong mag-share, natawa lang ako sa isang experience lang, nasa labas ako and yung mga eksena na yun iyon yung mga na-comatose si Anthony, tapos yung mga tao na nakakita sa akin, sinabi nila sa akin, ‘O paano ka nakalabas e comatose ka naman?’

“Sabing ganun, so nakakatawa lang, sobrang nakakatuwa lang kasi ang daming mga taong na-hook, ang daming mga taong apektado, ang daming taong sobrang effective yung nagawa namin as an actor sa mga characters namin na ito yung nagiging effect sa mga nanonood.”

Hanggang sa huling linggo nito ay patuloy na namamayagpag sa ratings ang Apoy Sa Langit na sa ngayon ay Number 1 Afternoon Drama Series sa taong ito.

Ito rin ang most viewed drama program sa Youtube at phenomenal ang performance ng TV ratings ng naturang serye.