Advertisers

Advertisers

“MALAKI ANG TAMA” NI GOV. OYIE

0 2

Advertisers

NATAWAG ang ating pansin sa isang ‘online interview’ kay Nueva Ecija Governor Aurelio ‘Oyie’ Umali kamakailan ng isang kasamahan nating media sa Central Luzon.

Sa panayam, aprub tayo sa “hamon” ni Gov. Oyie sa Department of Environment and Natural Resources DENR) na IMBESTIGAHAN kung paano nga ba itinatapon ng mga LGUs, water districts at mga pribadong kontraktor ang mga duming “nahihigop” sa ating mga “poso-negro” (septic tank)?

At sadyang mababa ang loob ni Gob sa kanyang “pag-amin” na sa pagpapatupad ng RA 9275 (Clean Water Act of 2004), marami pang mga LGUs at mga water districts ang hindi pa ‘fully compliant’ sa batas—hindi katulad nung iba na bistado nang tumanggap ng “maleta,” nagmamalinis pa, hehe!

Sa ganang atin, malaki ang tama ni Gov. Oyie sa pagbibigay ng nasabing babala dahil hindi lang kanyang mga kababayan sa Nueve Ecija at mga nakatira sa Central Luzon (si Gov. Oyie ang chairman ng Infrastructure Development Council ng Central Luzon Regional Development Council) ang apektado ng problema sa suplay ng ligtas at malinis na tubig– LAHAT tayo, mula Jolo hanggang Aparri, apektado, oke?

Kung hindi nga naman natin alam kung nasusunod nga ba ang mga panuntunan sa pagtatapon (disposal) ng mga dumi mula sa ating mga poso-negro, gaano tayo kasigurado na malinis at ligtas pa ang mga tumutulong tubig sa ating mga gripo, aber?

Kailangan bang “malason” muna tayong lahat bago sabihin na may “problema?”

Kung hindi pa rin alam ng mga “nakakuyakoy” na opisyal ng DENR/Environmental Management Bureau (EMB), patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga nagrereklamong residente—kahit pa sa mga ‘subdivisions’– hinggil sa kalidad ng at kaligtasan ng tubig na lumalabas sa kanilang mga gripo, tama ba, mga kabayan?

Hmm. Mabuti pa ang isang ‘provincial leader’ na katulad ni Gov. Oyie, nakikita ang problemang dulot ng isang ‘Silent Killer’ na magpapabagsak sa ating lahat.

Hindi katulad ng ilan nating ‘national leaders’ d’yan sa Senado at DENR na walang inaatupag kundi patalsikin sa poder at gipitin ang kanilang mga kalaban sa pulitika.

Sadyang dapat nang kumilos ang DENR sa problemang ito. Para may silbi naman kayo.

Abangan!