Konsi Rina bumida sa reporma para sa mga mangingisda… 21 TAONG LUMANG BATAS SA PANGISDAAN, BINAGO SA PARAÑAQUE!
Advertisers
PARAÑAQUE CITY — Pasado na sa Sangguniang Panlungsod ang Ordinance No. 85 o ang Comprehensive Fisheries Code of Parañaque. Ito ay isang landmark ordinance na pinakahihintay ng mga lokal na fisherfolks upang wakasan at palitan ang 21-taong lumang sistema na huling inamyendahan noong 2005 pa.
Ang makasaysayang batas ay iniakda ni Konsehala Carina Pablo Gabriel, Committee Chair on Agriculture, Fisheries and Aquatic Resources, para mas maprotektahan ang kalikasan at iangat ang kabuhayan sa lungsod.
Laman ng bagong batas:
Modernong Regulasyon: Mas mabilis at updated na rehistrasyon ng mga bangka at mangingisda.
Todo-Ayuda: Mas pinalakas na suporta at kagamitan para sa mga lokal na asosasyon.
Kamay na Bakal: Mas mabigat na parusa sa mga gumagamit ng ilegal at mapanirang paraan ng pangingisda.
“Matapos ang 21 taon, may moderno at mas angkop na tayong batas na nagbabalanse sa kalikasan at kabuhayan,” ani Konsi Rina, na inialay ang tagumpay sa mga pamilyang mangingisda sa mga coastal barangay. (RONALD BULA)