Advertisers
LINGGO ng gabi, hindi mapakali ang mabunying kaibigan namin na si Prof. Bayani Santos, manunulat at propesor ng pamamahayag sa graduate school. Nagpadala siya ng kalatas sa amin at tahasang nagrereklamo sa labis na katangahan ni Camoteng Robin.
Sa kanyang kalatas, nayayamot na nagtanong sa amin si Bayani upang kung alam ni Camoteng Robin na tanga siya at pinagtatawanan ng mundo. Sa pakiwari ni Bayani, marapat na kalusin si Camoteng Robin at ilagay sa dapat na kalalagyan. Pinakamaganda na mag-umpisa ito sa kanyang mga kasamang mambabatas.
Hindi kami nakahuma agad sa tinuran ng aming iginagalang na kaibigan. Hindi magkaiba ang tingin namin kay Camote. Siya ang tanga na hindi natatakot na ipakita sa buong mundo ang kanyang labis na katangahan sa maraming usapin ng bayan. Siya ang tanga na hindi alam na tanga siya. Baligtad ang tingin sa sarili: pinakamagaling siya.
Sinabi namin na hindi kailangan ibinisto siya ng mga kasamang mambabatas na sobrang tanga siya. Mababa ang tingin sa kanya ng mga kasamang senador. Hindi siya pinapansin ng mga kasama. Hindi mahalaga ang kanyang opinyon. Hindi ito hinihingi. Kapag nagsalita siya, hindi siya pinapatulan. Nandoon siya sa Senado pero mistulang wala siya.
***
KAMAKAILAN, nagpahayag ng walang hanggang katangahan si Camoteng Robin nang tumayo sa bulwagan ng Senate impeachment court ang hunghang at hanapin ang orihinal na video kung saan nagbanta si Misfit Sara na papatayin sina BBM at asawa at Martin Romualdez. Sa pakiwari ng tangang senador, hindi maituturing na totoo ang zoom presentation ng pagbabanta kung wala at hindi naipakita ang orihinal na video.
Pinagtawanan si Camote dahil lumabas na hindi niya ganap na naiintindihan ang makabagong teknolohiya. Para kay Kin. Chel Diokno ng Akbayan Party List at isa sa 11-katao Prosecution Team, sentido komon na maunawaan natin na totoo ang mga pananakot ni Misfit sa video dahil “napanood natin lahat.” Napanood ng publiko ang video, aniya.
“Kasama sa isang paglilitis yan, at sa cross-examination lahat kuwestiyunin ng kabilang panig. Pero ang kailangan hindi mawala sa atin ang common sense at ating mismong alam tungkol sa mga bagay na iyan. Sa tingin namin naging klaro at malinaw ang sinabi ni Agent [Mark] Calilung at kahit sa ating karanasan din sa ating experiences sa social media, alam naman natin kung ano yung fake at ano yung hindi,” ani Diokno sa kanyang pagharap sa Saturday News Forum sa Dapo Restaurant sa Quezon City.
“Actually sa isang impeachment case hindi lang ang mga senators ang nanghuhusga, lahat din naman tayo ay nanghuhusga. Naalala ko sa mga dating impeachment cases kapag nakakausap ko iyong mga kasama natin, iyong mga nasa tindahan, iyong mga lahat na nanonood, alam na alam nila yung testigo at meron din silang mga sariling pananaw,” aniya.
“Iyong maganda lang kasi sa impeachment, napapanood natin lahat, hindi na yan dumadaan sa kuwento ng broadcaster o kung sino man, mismo tayo ang nakakita. At sa tingin ko, it’s very clear naman, very accessible ang sinabi ni Agent Calilung,” ani Diokno.
Sinabi ni Diokno na umimbulog ang trato sa mga orihinal at duplicate documents sa ilalim ng mga makabagong alituntunin ng ebidensya at ang trato ng hukuman sa mga recordings, digital files at electronic records. Hindi nasabi ni Diokno dahil labag sa kagandahang asal para sa isang mambabatas na magsalita ng masama sa kapwa mambabatas pero alam niya na labis na tanga si Camoteng Robin pagdating sa makabagong trato sa ebidensya.
“Well, unang-una iyong naging issue ng original at copy, nagbago na kasi yung rules on evidence natin. At ngayon, dati kasi naging istrikto iyan, na kung let’s say xerox lang iyong tawag natin ay hindi basta-basta tinatanggap ng hukuman,” ani Diokno. “But now they have changed that rule, mas alinsunod yan sa international practice kahit sa Amerika, sa iba’t ibang jurisdiction, ganoon na rin ang nagiging rule at batayan nila basta’t masabi ng testigo magkapareho lang yan, it’s a faithful reproduction, sapat na yun kahit na photocopy siya,” aniya.
***
NAIS ng mga public prosecutor na mapabilis ang proseso ng impeachment trial sa Senado. Ayon kay Public Prosecutor Ysabel Maria Zamora, kinatawan ng San Juan City, nakahanda ang prosekusyon na magharap ng hindi bababa sa dalawang saksi kada araw upang bilisan ang paglilitis na papasok sa ikalawang linggo ngayong Lunes. Hindi isinasakripisyo ang kalidad ng presentasyon ng mga ebidensya, aniya.
“So prepared naman kami na mag-present ng at least two witnesses sa day. Siyempre naghihintay lang ang isa until matapos ang isa and if he will be allowed to testify by the presiding officer,” ani Zamora sa panayam ng dzBB’s Bantay Balita sa Kongreso ni Nimfa Ravelo at Isa Avendaño-Umali. “Yes, of course. Sa totoo lang, last week nandoon na rin po yung aming next witness,” aniya.
Ipinahayag ng Senate impeachment court na kasama sa mga saksi ng prosekusyon sina NBI investigator Jeremy Lotoc, Atty. Zuleika Lopez at Capt. Belinda Bello. “Hindi pa definite iyon dahil meron tayong three ngayon and we only have three days this week. So tingnan na lang po natin kasi sa totoo lang, every day nagbabago ang arrangement, ang plano,” ani Zamora.
“Well, siyempre hindi ko masabi kung sino ang ating next witnesses pa, kung meron pa after the three this week. But marami po tayong pinag-uusapan sa prosecution,” aniya.