Advertisers

Advertisers

Mga kakandidato sa nalalapit na barangay election, maagang nagpaparamdam

0 3

Advertisers

MAAGANG NAGPAPARAMDAM ang mga aspirante sa NALALAPIT na BARANGAY ELECTION na umanoy gaganapin sa Nobyembre, 2026.

Hindi pa man alam kung tuloy nga ang nasabing election, lakas loob na nakikipagsapalaran ang mga ito.

Malakas anila ang kanilang kutob na tuloy na tuloy na ang halalan at hindi na pwedeng ipagpaliban muling.

Daig daw ng maagap ang masipag kung kaya’t ngayon pa lang ay nagpapakilala na at NAGPAPARAMDAM na sila.

Nandyan na ang mga istilong pakaway-kaway, pakamay-kamay, pakindat-kindat at meron ding iba na bumebeso-beso pa.

Daig pa nga ng ilan sa mga ito ang mga politikong tuma-takbo sa local election tulad ng konsehal, bakit kamo?

Well-to-do daw Kasi ang ilan dito at kumpleto makinarya na kumbaga sa Isang organisasyon ay well-funded.

Mantakin niyong nagsa-sagawa na ang mga aspiranteng ito ng medical mission na kumpleto rekados.

May partikular na doktor para sa mata, may pediatrician para sa mga bata at consultant para sa kalahatan.

Libre rin ang mga salamin sa mata, mga gamot tulad ng paracetamol, vitamins at maintenance para sa mga may edad.

May iba naman na namimigay ng bigas, de lata, toothpaste at iba pang item na siguradong tatatak sa isipan ng Isang botante.

Malaking gastusin ito para sa isang kandidato para sa posisyong BARANGAY Chairman at BARANGAY Kagawad, di po ba?

Ultimo mga kabataan na may ambisyon para sa Sangguniang Kabataan(SK) ay may partisipasyon din.

Nandyan na ang pagbibigay ng libreng mga school supplies tulad ng mga notebook, papel, lapis at iba pa.

Meron ding mga aspiranteng lumalabas na manok o’ alaga ng Isang politiko tulad ng Mayor, Congressman at ilan konsehal.

Ang mga ito ay tumutugon sa lahat ng pangangailangan ng kanilang manok na kung saan sila nakapusta.

Ang tanong ay kung ano ang magiging kapalit ng mga tulong na ito kung sila ay papalarin.

Apat na buwan pa bago sumapit ang inaasahang BARANGAY ELECTION ngunit ating napag-alaman na ngayon pa lang ay kumpleto na ang line-up ng mga kandidato mula sa chairman at mga kagawad.

Wala ng ibang gagawin ang mga ito kundi mag-file ng kanilang certificate of candidacy sa Comelec para maging opisyal ang kanilang kandidatura.

Ganyan kaagap ang magiting nating mga aspirante, masyadong advance ang kanilang technology na wala namang masama, di po ba?

Lalo sigurong masaya pagdating ng nakatakdang campaign period kung saan lalabas ang kanilang mga gimmick at pakulo.

Much-awaited, Masaya at siguradong exciting ang coming BARANGAY ELECTION kung kaya’t antabayanan nating lahat….WAIT AND WATCH..