Advertisers

Advertisers

Katrina Paula, Jeric Raval at ’90s stars nag-reunion sa Cindyrella Medical Group, isinusulong ang natural beauty at non-surgical enhancement

0 4

Advertisers

By Anne Venancio

Muling nagsama-sama ang ilan sa mga pinakasikat na personalidad noong dekada ’90 sa grand opening ng Cindyrella Medical Group noong Hulyo 8 sa Parañaque City. Kabilang sa mga dumalo sina Katrina Paula, Sabrina M., Pia Moran, Natasha Ledesma, Alma Concepcion, Ynez Veneracion, Jojo Abellana, Jeric Raval, at Sparkle actor-singer na si Larkin Castor.

Target ng event ang kahalagahan ng natural beauty at tamang pag-aalaga sa sarili. Ayon kina UK-licensed doctors Miss France at Miss Ariana Lopez, layunin ng kanilang non-surgical treatments na maibalik ang natural na glow at mapanatili ang healthy appearance ng kanilang mga pasyente nang hindi kinakailangang sumailalim sa surgery. Bilib umano sila sa ganda ng mukha at kutis ng mga 90s stars.

“Hindi surgery ang ginagawa namin. Ang layunin namin ay i-enhance ang natural na features ng bawat tao at maibalik ang healthy glow ng kanilang balat. Naniniwala kami na ang tunay na kagandahan ay nagsisimula sa loob, kaya mas mahalaga ang healthy skin, proper care, at self-confidence kaysa sobrang pagbabago ng hitsura,” pahayag nina Miss France at Miss Ariana.

Sumang-ayon dito si Katrina Paula, na nagsabing normal lamang ang pagtanda at mas mahalagang matutong alagaan ang sarili.

“Habang tumatanda tayo, mas lalo nating dapat pahalagahan ang ating kalusugan at natural na kagandahan. Ang goal ay mag-age gracefully at manatiling confident sa sarili,” ani Katrina.

Ibinahagi rin ni Pia Moran na bukod sa tamang skincare at wellness treatments, malaking tulong ang pag-iwas sa stress upang mapanatili ang kanyang freshness.

“Kapag masaya ka at positibo ang pananaw mo sa buhay, kusa ring lumalabas ang natural mong glow. Mahalaga ang pag-aalaga sa sarili, pero mas mahalaga ang pagkakaroon ng peace of mind,” saad ni Pia.

Mas lalo pang ikinatuwa ng mga tagahanga nang sabihin ni Katrina na pinaplano na nila ang reunion concert ng ilan sa mga sikat na artistang sumikat noong dekada ’90.
“Matagal ko nang pangarap ang reunion concert na ito. Nakakatuwang makita na hanggang ngayon ay may mga kabataang nakakakilala at humahanga pa rin sa amin. Ipinapakita lang nito na ang talento at magandang memories namin sa kanila ay walang expiration,” pagbabahagi ng aktres.

Muling ipinakita ng mga artistang sumikat noong dekada ’90 na nananatili silang inspirasyon sa publiko sa pamamagitan ng kanilang adbokasiya para sa natural na kagandahan, healthy lifestyle, at positibong pananaw sa buhay.
Nang tanungin si Jeric Raval tungkol sa sikreto ng kanyang youthful appearance, sinabi niyang simpleng healthy lifestyle lamang ang kanyang sinusunod. Aniya, hindi siya umiinom ng alak, hindi naninigarilyo, at iniiwasan din niya ang pagpupuyat.

Nang usisain naman kung anong treatment ang nais niyang subukan sa Cindyrella Medical Group, sinabi ng aktor na eye bags lamang ang gusto niyang ipaayos. Nauwi naman sa tawanan nang kantiyawan siya kung game rin ba siyang subukan ang penis enhancement procedure na isa sa mga kilalang serbisyo ng clinic.

Agad itong tinanggihan ni Jeric at pabirong sinabi, “Hindi na kailangan. Baka kung may pampalambot pa,” na ikinatuwa rin ni Katrina.

Ayon naman kina Dra. Ariana at Dra. France ng Cindyrella Medical Group, hindi pa kailangan ni Jeric ng anumang major facial enhancement dahil maganda pa rin ang kondisyon ng kanyang balat. Eye bag treatment lamang ang kanilang inirekomenda upang lalo pang mapanatili ang kanyang fresh at youthful appearance.
Anyway, ibinalita rin nito na kamakailan ay sinamahan niya si AJ Raval sa isang audition para sa isang international film at ikinatuwa nilang nakuha agad ng aktres ang role.

“Masaya ako para kay AJ. Bilang ama, proud ako sa bawat oportunidad na dumarating sa kanya.”

Dagdag pa ni Jeric, masaya siyang nakikitang maayos ang pamilya ng kanyang anak. Aniya, mas malaya na silang nakalalabas at hindi na kailangang magtago sa publiko matapos nilang aminin ang kanilang relasyon. Para sa aktor, ang mahalaga ay masaya ang kanyang anak at suportado niya ito sa anumang desisyong makapagpapasaya rito.

Nilinaw rin ng aktor na hindi niya kailanman pinilit ang kanyang mga anak na pumasok sa showbiz dahil mas gusto niyang hayaan ang mga ito sa gusto nilang tahaking landas.

Samantala, ipinakilala rin sa event ang actor-singer na si Larkin Castor bilang isa sa mga bagong endorsers ng Cindyrella Medical Group. Nagpasalamat ang young actor sa tiwalang ibinigay sa kanya ng kumpanya at sinabing inspirasyon sa kanya ang pagiging bahagi ng isang brand na nagsusulong ng beauty, wellness, at self-confidence.

****