Advertisers

Advertisers

Pulis sa smuggled yosi, masisibak – PNP Chief

0 2

Advertisers

PINAKAKASUHAN ni Philippine National Police Chief, General Jose Nartatez, ang isang pulis matapos maaresto nang makuhanan ng mga smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng P 1.285 milion sa isang checkpoint sa Pagadian City, Zamboanga del Sur nitong Linggo.
Ang nasabing pulis ay nakatalaga sa Camp Crame Quezon City, at kasalukuyang nasa kustodiya ng Pagadian Police .
Ipinag-utos ni Nartatez ang pagsasampa ng kasong krminal at administratibo upang tuluyan nang masibak sa serbiyo ang nasabing pulis sa sandaling matapos ang imbestigasyon at pagsusuri ng Bureau of Custom.
Nagsasagawa ng check point ang mga elemento ng Pagadian City nang makatanggap ng information kaungay ng pagbibiyahe ng mga smuggled na sigarilyo sa national highway sa Barangay Tiguma, Pagadian City.
Pinapara ng mga otoridad ang sasakyan na minamaneho ng nasabing pulis nang dumaan ito sa checkpoint at nang inspeksunin ang laman ng sasakayn nito, tumambad ang 251 ream ng New Berlin cigarettes na nagkakahalaga ng P1.286 million. Inaresto ang pulis ng mga operatiba nang mabigong magpakita ng mga kaukulang mga dikumento.
Sinabi ni Nartatez na ang insidenteng ito ay nagsisilbing babala sa lahat ng tauhan ng PNP, na ang pakikilahok sa anumang ilegal na gawain ay hindi kailanman kukunsintihin, anuman ang ranggo o yunit nito. (Mark Obleada)