Advertisers
NASAWI ang isang babae at kanyang 6-anyos na pamangkin nang pagbabarilin ng isang rider sa Baranggay Subec sa Pagudpud, Ilocos Norte.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Lea Baloloy, 39 anyos; at kanyang batang pamangkin na si John Kurt Daguro, na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa kanilang likuran.
Sinabi ni Police Major Joemar Andres, hepe ng Pagudpud Police, na ang provincial forensic unit ay nakakuha ng 11 basyo ng bala ng 9 millimeter pistol sa lugar ng krimen.
Ang salarin na naaresto sa follow-up operation at nakilalang si Carlos Angel Mangoagui Jr, 43, isang truck driver.