Advertisers
NAGBABALA si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos, Jr. sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na pananagutin kapag nabigong dumalo sa pagdinig ng mga nahuling drug suspect na walang balidong dahilan.
Iminungkahi ni Abalos ang online hearing sa mga kaso kung saan ang mga pulis ay hindi maaring magtungo ng personal sa legal proceedings, dahil sa balidong rason.
Aniya, dapat bantayan ng mga awtoridad ang mga laboratory at forensic evidence upang matiyak ang conviction ng drug suspects.
Gumawa na ang DILG ng mga hakbang upang tugunan ang low conviction rate sa illegal drugs cases sa bansa.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Operations, Major General Benjamin Santos, na ang conviction rate sa drug cases ay nasa 0.88% lamang.
Karamihan sa mga kaso ay nadi-dismiss dahil sa teknikalidad kabilang ang paghawak ng ebidensiya.
Anila, maraming kaso ang nadi-dismiss dahil sa kakulangan ng mga testigo.
Upang maiwasan, nanawagan ang DILG sa local government units (LGUs) na magtalaga ng Department of Justice (DOJ) personnel para magsilbing saksi. (JUN FABON)