Advertisers

Advertisers

SENATOR MARCOLETA NAKA-WHEELCHAIR NA NANG DALHIN SA PGH

0 2

Advertisers

MAHIGPIT ang naging seguridad kay Senator Rodante Marcoleta nang dumating tanghali ng Martes sa Philippine General Hospital (PGH) para sa kanyang medical examination check up.
Guwardiyado ang senador ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation Detection Group (PNP-CIDG) sa pa-ngunguna ni CIDG-NCR chief Colonel John Guiagui nang dumating ito sa nasa-bing pagamutan sakay ng isang coaster.
Naka-wheelchair, protective vest at detainee shirt si Marcoleta. Paglilinaw ni Guiagui, bahagi lamang ito ng precautionary measures upang walang masamang mangyari sa senador.
Ang pagsailalim sa medical examination kay Marcoleta ay alinsunod narin sa kautosan ng Sandiganbayan Third Division upang matuloy kung kinakailangan pa niyang manatiling sa PNP General Hospital at kung may kakayahan siyang humarap sa Korte nitong Miyerkoles.
Paliwanag ni PGH Director Gerardo Legaspi, pangunahing konsidearsyon nila ang kapakanan ng mga pasyente kaya dapat limita-han ang galaw sa loob ng ospital.
Una naring sinabi ng pa-munuan ng PGH na tanging ang Sandiganbayan lamang ang makakapagbigay ng mga detalye at impormasyon sa ginawang pagsusuri.
Inaasahan namang haharap sa Sandiganbayan ang mga doktor na sumuri kay Marcoleta ngayong Miyerkules, 8:30 ng umaga, upang ipaliwanag ang resulta ng isinagawang medical evaluation.(Jocelyn Domenden)