Advertisers

Advertisers

Baligod pinaaresto ng korte sa Cyberlibel

0 2

Advertisers

NAGLABAS ng warrant of arrest ang Makati City Regional Trial Court Branch 148 laban kay Atty. Levito Baligod para sa dalawang bilang ng cyberlibel.
Nag-ugat ito sa inihaing reklamo ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. na inakusahang tumanggap ng kickback sa maanumalyang flood control projects.
Pinagbabayad si Baligod ng P20,000 piyansa para sa kada bilang ng cyber libel.
Inatasan din ang mga awtoridad na sundin ang mga panuntunan ng Korte Suprema sa paggamit ng body-worn cameras o iba pang recording devices habang isasagawa ang pag-aresto sa abugado.
Kinumpirma ni Baligod na natanggap niya ang kopya ng warrant of arrest.
Nguni’t giit niya na hindi siya nabigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang kanyang sarili dahil hindi siya nakatanggap ng subpoena mula sa piskalya.
Ayon pa sa abogado, mali ang address na ibinigay sa panahon ng imbestigasyon kaya hindi siya nakapagsu-mite ng kanyang counter-affidavit.
“Nakalusot ang kaso na ito ni DA Secretary Laurel Tiu dahil sadyang mali ang binigay na address ko sa piskalya, kaya naman hindi ako nakatanggap ng subpoena at hindi naka-sumite ng counter-affidavit,” ani Baligod.
Si Baligod ang tumatayong counsel ng 18 nagpakilalang dating bodyguards ni dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co na kasalukuyang at large dahil sa mga kasong kinahaharap sa bansa.