Advertisers
PATAY ang isang sundalo nang barilin ang sarili gamit ang kanyang service firearm, at nasawi rin ang kanyang misis nang saksakin ng biyenan sa Purok Tilapia, Barangay 3, Bacolod City.
Kinilala ang mga biktima na sina Erwin Pendon, 31 anyos, at aktibong miyembro ng 11th Infantry Battalion ng Philippine Army; at misis na si Leonora Pendon, 26.
Ayon kay Lieutenant Conan Gadayan, station commander ng Bacolod Police Station 2, dalawang magkahiwalay na insidente ang naganap.
Bago ang pamamaril, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa.
Batay sa imbestigasyon, kinuha ni Erwin ang kanyang Glock 17 pistol, nagpaputok muna sa pader, bago nito binaril ang sarili.
Nakita ng ama ng sundalo na si Edwin Pendon, 52, ang pangyayari, at sinaksak nito ang misis ng kanyang anak na si Leonora.
Wala namang tama ng bala ang babae.
Kapwa isinugod sa ospital ang mag-asawa nguni’t bina-wian ng buhay.
Narekober ng mga imbestigador ang service firearm ng sundalo sa crime scene.
Kasalukuyang nakadetine si Edwin sa Bacolod Police Station 2, mahaharap sa kasong homicide.