Advertisers

Advertisers

30 biktima ng sexual harassment sa Bacoor

0 313

Advertisers

NAGKASA na ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) nang pumalo sa 30 ang mga biktima ng sexual harassment sa Bacoor National High School.

Ayon kay CHR Regional Director Rexford Guevarra, kinukumbinsi pa nila ang mga estudyante na makapagbigay ng sinumpaang salaysay laban sa mga guro na sangkot sa nasabing insidente.

Siniguro ni Guevarra na matutulungan ng kanilang ahensya ang mga biktima ng panghaharas upang makapaghain ng kaukulang kaso.



Bukod pa rito, bibigyan din ng CHR ang mga estudyante ng psychosocial support at tulong pinansyal.

Una nang nanawagan si Department Of Education (DepEd) spokesperson Michael Poa sa mga biktima na magsampa ng pormal na reklamo upang mas mapatibay ang kaso laban sa mga akusado.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">