Advertisers
ARESTADO ang isang online seller at isa pang kasabwat na parehong kabilang sa listahan ng high value individuals (HVI) ng mga miyembro ng Southern Police District-District Drug Enforcement Unit (SPD-DDEU) nang nakuhanan ng P408,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Las Piñas nitong Septembre 1.
Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director , Colonel Kirby John Brion Kraft, ang mga nadakip na sina Jerome Carillas, 28 anyos, online seller; at Ronie Regonios, 40.
Sa report na isinumite kay Kraft, nadakip ng mga operatiba ng DDEU ang mga suspek 5:00 ng umaga sa kahabaan ng Canaynay Road, Barangay Manuyo Dos, Las Piñas City.
Nakumpiska sa mga suspek ang 11 plastic sachets ng shabu na tumitimbang ng 60 gramo na nagkakahalaga ng P408,000 at ang P500 buy-bust money.