Advertisers

Advertisers

P62.2m ‘paihi’ na diesel nasamsam, 7 kulong

0 11

Advertisers

ARESTADO ang pito katao na nag-o-operate at sangkot sa iligal na kalakalan ng produktong petrolyo o “paihi”, at nasamsaman ang P62 milyon halaga ng diesel sa operasyon ng mga pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 4A, CIDG Batangas Provincial Field Unit, Batangas Maritime Police Station, Philippine Ports Authority (PPA) Batangas at Batangas Police Provincial Office, gabi ng July 9-10, 2026 sa Barangay Wawa, Batangas City.
Ayon sa report ni CIDG Director, Major General Robert AA. Morico, kay Philippine National Police chief General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pitong naaresto ay mga nasa hustong gulang at pawang residente sa Batangas, Davao, Palawan, Navotas, Leyte at Cebu.
Nasamsam sa mga ito ang isang tug boat na may kargang 32,099 litro ng diesel na nagkakahalaga ng humigit kumulang P62.2m, na walang kaukolang dokumento at lisensya galing sa Department of Energy (DOE).
Mahaharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg.33 na inamyendahan ng Presidential Decree No.1865 (Illegal Trading in Petroleum Products) na may kaugna-yan sa RA 10175 (Cyber Crime Prevention Act).
Hindi pa nagbigay ng detalye ang mga awtoridad kung sino ang may-ari ng tug boat at ang iba pang nasa likod ng iligal na kalakalan ng produktong petrolyo.(Koi Laura/Mark Obleada)