Advertisers

Advertisers

Bgy. tanod, misis huli sa droga

0 128

Advertisers

ARESTADO ang mag-asawang barangay tanod at misis nito nang mahulihan ng halos P1 milyong halaga ng shabu sa drug buy-bust operation sa Barangay Batal, Santiago City, Huwebes ng gabi.

Sa ipinarating na ulat ni Colonel Reynante Panay, hepe ng Santiago City Police Office, kinilala ang mag-asawa na sina Villamor Caliboso Jr. alyas “Jong”, 45 anyos, barangay tanod/driver; at Diosa Caliboso, OFW at residente ng Habitat, Bgy. Naggasican, Santiago City.

Sa report, huli sa akto ang mag-asawa na nagbebenta ng isang plastic sachet ng shabu sa isang operatiba na umaktong poseur buyer.



Nasamsam rin sa operasyon ang 4 marijuana bricks na tinatayang nagkakahalaga ng P1 milyon.(Rey Velasco)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More