Advertisers

Advertisers

Problemado ang ‘maleta boys’

0 6

Advertisers

PROBLEMADO ngayon ang 18 maleta boys sa pagkakulong ng kanilang “financier”, si ex-Congressman Mike Defensor.
Si Defensor ay nakakulong ngayon sa mga kasong Plunder at pagbigay ng P75 million “gift” kasama ang dalawa pang negosyante noong 2022 election campaign kay Senador Rodante Marcoleta.
Sa pagkakulong ni Defensor, naiwan sa ere ang 18 maleta boys, problemado kung saan ngayon kukuha ng pangpiyansa sa kasong Cyberlibel na isinampa ng mga taong kanilang umano’y dinalhan ng male-maletang pera na galing daw kay dating Congressman  Zaldy Co.
Si Zaldy Co ay nagtatago rin sa ibang bansa. Wanted sa Pilipinas at sa Intepol dahil sa pagkakasangkot sa flood control projects anomaly.
Nitong Lunes ay inisyuhan ng arrest warrant ng Makati City RTC ang “counsel” ng maleta boys na si Atty. Levi  Baligod. Two counts Cyberlibel na may piyansang tig-P20K per count. Ang nagsampa ng kaso si Agriculture Secretary “Kiko” Laurel Jr.
Hindi lang si Sec. Laurel ang nagsampa ng Cyberlibel kina Baligod at maleta boys. Marami. Kabilang sina dating Senador Antonio Trillanes, Congresswoman Leila de Lima, Palawan Congressman Jose Alvarez, Senador Erwin Tulfo, at marami pang opisyal na umano’y dinalhan daw nila ng male-maletang kuwarta galing kay Co.
Okey lang si Baligod may pangpiyansa, pero ang 18 maleta boys na karamihan ay dishonorable discharge sa military ay sumasakit ang ulo kung saan kukuha ng pangpiyansa. nakakulong na si Mike eh. Tsk! tsk!!!
Kumusta na nga pala yung unang lumabas na maleta boy?, si Orly Guteza. Can’t be reach na ito. Hindi natin alam kung buhay pa ito o kung saan itinago nina Marcoleta at Mike.
Si Guteza, ito yung pinagalitan sa Senate hearing noon ni Marcoleta dahil sa  hindi makabasa ng maayos ng kanyang salaysay. Salaysay na mas kabisado pa ni Marcoleta. Hehe…
Wer u na ba, Orly? Baka may gusto kang ikanta. Ilabas mo na!
Oo nga pala, si Marcoleta ay may dalawang arrest warrant din, co-accused ni Defensor. Pero hindi pa siya nakakulong. Nagkabasan kasi ang kanyang sakit. Naka-hospital arrest siya sa PNP General Hospital.
Ito ang sinasabi natin na ang lahat ng kasamaan ay may katapusan. Mismo!
***
Nagwawala ngayon si Senator-Judge Robin Padilla dahil sa mga pangba-bash ng netizens sa kanyang pagkakalat sa Impeachment trial ni Vice President Sara Duterte-Carpio.
Dapat kasi kay Robin ay gayahin niya si Senator-Judge Lito Lapid na tahimik lang na nakikinig sa balitaktakan ng prosecutors at depensa.
No talk, no mistake si Supremo.