Advertisers
Hindi bilangguan ang naging huling hantungan ng apat na binatilyo at sa halip ay sa pamilya at paaralan ang sumalubong sa kanila matapos silang bigyan ng pangalawang pagkakataon ng Manila Department of Social Welfare (MDSW).
Ayon kay MDSW Chief Jay Reyes Dela Fuente ang apat na CICL na nasa 14 at 15 anyos ay dating na sangkot sa mga kasong riot at theft.
Sa halip na tuluyang mapariwara , ilang buwan silang sumailalim sa intervention sa Manila Boys town Complex sa Marikina.
Pagkatapos ng rehabilistasyon , naibalik na sa kani-kanilang pamilya at ligtas na naipit ang mga binatilyo sa kanilang mga magulang.
Tinulongan din silang makabalik sa pag-aaral para maipagpatuloy ang parangap.
Bukod dito , pinagkalooban din sila ng capital assistance para makapag simula ng kabuhayan at hindi na muling malihis ng landas.
Para sa MDSW, hindi ito simple ng pagresolba ng kaso kundi bahagi ng “Serbisyong Yorme,Lahat may Pag-asa at Pagkakataon”, –isang programang naniniwala na ang kabataan na nagkamali ay maaari pang itama at maging responsableng mamamayan. (Jocelyn Domenden)