Advertisers
Arestado ang isang alkalde sa dalawang kaso ng pagpatay sa Davao City, nitong Sabado.
Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas nitong Setyembre 9, 2022 ni Tacurong City, Sultan Kudarat Regional Trial Court Branch 20 Judge Samina Sampaco Macabando Usman, nadakip ang salarin na si Pandag Mayor Khadafe Mangudadatu.
Sa ulat, 4:15 ng hapon isinilbi sa Royal Mandaya Hotel Davao City ng pinagsamang pwersa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group-Bangsamoro Autonomous Region ang warrant of arrest laban kay Mayor Mangudadatu.
Si Mayor Mangudadatu ang itinuturong pumatay sa mag-asawang Abdullah at Lala Ligawan noong Oct. 17, 2010 sa Barangay Sinakulay, President Quirino, Sultan Kudarat.
Bukod kay Mangudadatu, sangkot rin sa kaso ang kanyang mga kapatid na sina Freddie, dating mayor ng President Quirino; at Jong Mangudadatu, dating mayor ng Buluan, Maguindanao.
Sinabi naman ng magkakapatid na Mangudadatu na politika ang motibo ng kasong pagpatay laban sa kanila ng kampo ng dating Sultan Kudarat Gov. Teng Mangudadatu na asawa ni Bai Mariam, kasalukuyang governor ng Maguindanao nang talunin si Toto Mangudadatu.
Matatandaan ang pamilya ni Toto, tauhan abogado, supporters at mga miyembro ng mamamahayag ang dinukot at pinatay noong 2009 Maguindanao massacre.
Naka-hospital arrest sa Davao si Khadafe nang dumaing ng paninikip ng dibdib .
Hindi naman pinahintulutan ng korte si Khadafe na makapag-piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan.