Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MALOKA-loka ang byuti ni Rita Daniela nang makarating sa kanya ang tsikang kaya umano hindi niya mailabas-labas ang katauhan ng ama ng kanyang dinadala ay dahil simula palang daw malaman ng guy na buntis si Rita ay iniwanan na siya nito. As in tinakbuhan ang pagiging ama kahit pa sinabi raw nito na susustentuhan na lang ang bata. Rita cries foul over the said issue.
“Don’t ever believe this,” say ni Rita.
Say pa ni Rita, simula nang ipaalam niya sa publiko na buntis siya ay never pa raw siyang nakausap o kumausap ng sino mang blogger maliban sa showbiz reporter ng Kapuso Network.
“FYI, I have never been interviewed by anyone else than Kuya Nelson Canlas of GMA News/Showbiz Report about my pregnancy and personal life.
“Please don’t ever believe this nonsense and I hope that you don’t support this page and the people behind this page because it is clearly spreading fake news just to get likes and comments.
“My pregnancy journey and personal life has been private and I chose it that way. Wala po akong ginagawang masama sa inyo, Kapuso Celebrity. Ako ay nanahimik lamang at sana kayo rin,” saad pa ni Rita sa kanyang social media account.
***
WALANG patumpik-tumpik na inamin ng isang sexy bombshell ng Vivamax na si Ava Mendez ang isang hindi magandang karanasan na kanyang sinapit sa kamay ng kanyang professor noong colllege days niya. Dahil sa may temang pananamantala ng isang guro sa kanyang estudyante ang bagong movie na ginawa ni Ava na ‘Do You Think I Am Sexy” kasama sina Chloe Jenna, Marco Gomez, Cloe Barreto, and streaming na ngayon sa lahat ng Vivamax Apps. Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.
“Noong college student, nag-aral ako ng HRM [Hotel and Restaurant Management] and then merong isang prof ng major subject ko na nagkagusto sa akin.
“Meron akong subject sa kanya na bagsak ako kasi madalas na di ako pumapasok sa subject niya kasi that time na ’yon may depression ako dahil sa family ko. Meron kaming problema sa financial. So, ang ginagawa ko nu’n, nagta-trabaho ako habang nag-aaral,” say ni Ava.
Dahil sa pangyayari ay nasamantalahan ang ‘kahinaan’ ni Ava ng kanyang professor.
“Ang nangyari, may gusto sa akin ’yong prof and then in-offer-an n’ya ako kung anong p’wede kong gawin para makapasa ako. Sa sobrang depressed ako, wala na ako sa pag-iisip, pumayag ako doon sa sinasabi n’yang, once lang,” dagdag na say pa ni Ava.