Advertisers

Advertisers

Gerald Santos hataw sa kaliwa’t kanang projects

0 283

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

KALIWA’T KANAN ang pinagkakaabalahan ngayon ng very talented na si Gerald Santos. Bukod sa I Will, The Musical, sasabak siyang muli bilang Thuy, this time sa Miss Saigon Denmark naman.
Saad ni Gerald sa rami ng pinagkakaabalahan, “I can’t explain the feeling dahil kumbaga, I am really grateful sa mga blessings na dumarating ngayon. Sobrang busy ngayon, magsisimula na iyong aking musical play na I will: The Musical, namagsisimula na kami ng rehearsal.
“Iyon muna ang aking focus ngayon and lumabas na naman iyong balita, I will be doing Miss Saigon sa Denmark. So after ng I will, The Musical, iyon naman.”
Ang critically acclaimed musical play ay tatakbo mula February 9 until June 3, 2023.
Inusisa namin siya sa ginawang paghahanda sa Miss Saigon. Aniya, “Kasi ang preparation ko ngayon is more sa spiritual, mental… vocally, I would say, medyo gamay ko na rin naman. But, the biggest challenge now is ‘yung language.
“Kasi apparently, Danish is one of the hardest languages in the world. Actually when we were in Switzerland and in Germany that time, I got familiarize with German language and
“Kasi matigas ang German, eh. But ang Danish, napansin ko na parang mas pinalambot na German language. So mahirap talaga, medyo may anxiety ako with Danish language. Kaya for now self-study muna tayo ng Danish,” esplika pa ng singer-actor.
Nabanggit din ni Gerald na bago umalis before Christmas ay maglalabas siya ng new songs para sa kanyang fans. Plus, out na sa YT ang kanilang pelikula ni Marion Aunor na Al Coda ng NDM Studios, na mula sa pamamahala ni Direk Njel de Mesa.
Ang I Will: The Musical ay hinggil sa life story ng husband and wife tandem nina Docs Willie and Liza Ong. Mapapanood dito ang kanilang struggles at sacrifices bilang medical frontliners.
Ang play ay mula sa direksiyon ng manager ni Gerald na si Doc Rommel Ramilo, na siya ring sumulat nito at ng mga awiting mapapanood dito.
Ito ang maituturing na farewell performance ni Gerald bago magpunta sa Denmark.
Kabilang sa cast ng I Will: The Musical sina Ima Castro, Jon-Joven Uy, Roeder Camanag, Krizza Neri, Christine Wico Laforteza, Ruth Brillo, Ivy Padilla, Hannie Jade Del Mundo, Lance Soliman, Vince Conrad, Gerhard Krysstopher, Karl Navato, Anton Nolasco, Roma Evangelista, Joco Sanmiguel, at Nico Cabanit.
Ang naturang musical play ay mapapanood sa MET sa October 14, 2022, 7;00pm. Ang tickets ay mabibili sa ticketworld.com.