Advertisers
IPINATITIGIL ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa loob ng isang taon ang pagbabayad ng amortisasyon at interes ng mga agrarian reform beneficiaries.
Ito ay matapos na lagdaan ni Pangulong Marcos ang isang executive order na nagpapataw ng 1 year moratorium sa mga agricultural land na ipinamahagi ng pamahalaan sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Pahayag ni Pangulong Marcos, makababawas ng malaki sa pasanin ng mga CARP beneficiaries ang hakbang na ito.
Lalo na’t maari na nilang gamitin sa pagpapaunlad ng kanilang lupang sinasaka ang halaga na inilaan nila para sa kanilang amortisasyon.
Magugunitang binanggit ni PBBM sa kanyang unang SONA na kailangang makalaya na ang mga agrarian reform beneficiaries mula sa pagkakabaon sa utang.
Epektibo ang kautusang ito ng Pangulo nitong Martes kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-65 kaarawan. (Vanz Fernandez)