Advertisers

Advertisers

Community Hospital sa Baseco, operational na bago mag-yearend – Mayor Honey

0 293

Advertisers

ANG tatlong palapag na community hospital na itinatayo sa Baseco at inaasahang maglilingkod sa may 10,000 residente ng nasabing lugar ay magiging operational na bago matapos ang taon.

Ayon kay Mayor Honey Lacuna, base sa ulat ni City Engineer Armand Andres, ang nasabing ospital ay halos tapos na kung saan 88 porsyento ng konstruksyon nito ay kumpleto na.

Nabatid pa na sa orihinal na plano, target ng pamahalaang lungsod na i-equip ang pagamutan sa katapusan ng September.



Sinabi pa ni Lacuna na may pagbabago lang na ginawa upang ang nasabing pagamutan ay makatanggap pa ng mas maraming pasyente. Ito ay dahil na rin sa malaking populasyon ng Baseco.

“May sarili nang mapupuntahang ospital ang mga taga-Baseco. By October or November, baka fully-operational na ang Baseco Community Hospital,” dagdag ni Lacuna.

Kapag operational na, ang nasabing ospital ang siyang magiging pampito sa mga ospital na nasa direktang superbisyon ng pamahalaang lungsod ng Maynila at ito ay karagdagan sa anim na umiiral ng ospital na kinabibilangan ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC), Ospital ng Tondo, Justice Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila at Sta. Ana Hospital. Ang lahat ng mga ito ay matatagpuan sa mga Districto 1,2,3,4,5 at 6, at ang lahat ng mga ito ay nagbibogay ng libreng serbisyong pangkalusugan sa mga residente.

Ayon naman kay Dr. Ted Martin, director ng GABMMC, ang nasabing Baseco hospital ay malaking tulong sa mga residente na kailangan pang pumunta sa GABMMC kapag may mga emergency cases. Ito ayon kay Martin ay pagwawaldas lang ng pera at oras na napakahalagang bagay sa pasyente.

“Kapag may mga nadi-disgrasya o emergency, bawat oras ay mahalaga. Makapagliligtas tayo ng mas maraming buhay kung mayroong malapit at kumpleto sa kagamitan na ospital,” sabi ni Martin.
Tiniyak ni Lacuna na ang malapit nang matapos na tatlong palapag at fully-operational general hospital ay upang higit na mapagsilbihan ang mga residente ng Baseco.



Samantala, nabatid naman kay Andres na ang nasabing 50-bed hospital ay mayroong mga sumusunod: 24/7 fully-operational emergency room na may community inclusive outpatient department; digital x-ray equipment for radiology department; laboratory and central diagnostics department; centralized medical gas system with oxygen supply line; pharmacy;isolation wards; dietary department; male and female wards; maternity department; pediatric ward; surgery and internal medicine department; service elevator para sa mga pasyenteng nasa kama at passenger elevator na may capacity na 11 hanggang 14 katao. (ANDI GARCIA)