Advertisers

Advertisers

REP. ATAYDE SANIB PUWERSA SA DSWD AT KAY QC MAYOR BELMONTE PARA SA MGA NASUNUGAN

0 266

Advertisers

Nakipagsanib puwersa si Quezon City District 1 Representative Arjo Atayde sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at kay QC MAYOR Joy Belmonte sa pagtulong sa mga pamilyang nasunugan nitong September 8 sa 224 Don Manuel, Brgy. Balingasa na distritong nasasakupan ng una

Faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog na mabilis kumalat at tinupok ang tahanan ng halos 700 pamilya. Sa adbokasiya nitong Aksiyon Agad ay agarang rumesponde si Atayde upang alamin kung gaano kalaki ang pinsalang idinulot ng sunog at magbigay ng tulong ang daan-daang pamilyang apektado.

Kinabukasan, September 9 ay agarang ding nagbigay ng tulong ang DSWD sa mga nasunugan sa nasabing lugar.



“Isang tawag lamang kay DSWD Sec. Erwin Tulfo ay kaagad silang tumulong. Action man ang pinili ni President Bongbong Marcos na maging pinuno ng DSWD at kami sa QCDistrict 1 ay lubos na nagpapasalamat sa kaniyang mabilis na pagtugon,” pahayag ni Atayde.

Nagbigay ang DSWD ng P5,000 cash assistance at relief boxes sa bawat pamilya habang si Atayde ay patuloy naman sa pagbigay ng regular na rasyon ng malinis na mga inuming tubig.

Patuloy ang relief at rehabilitation efforts habang nakikipag-ugnayan si Atayde kay Mayor Joy Belmonte para sa sustainable at mabilis na pagrebuild ng mga nasunog na bahay.

Naghahanda rin si Atayde para sa distribusyon ng panibagong mga essentials gaya ng pagkain, tubig at gamot para sa bawat pamilya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">