Advertisers

Advertisers

Bilyaran bisita si Efren ‘Bata’ Reyes ni-raid!

0 232

Advertisers

Sinalakay ng mga pulis ang bagong bukas na bilyaran dahil sa mga ulat ng sugal at paglabag sa health protocols sa Sto. Tomas, Batangas.

Ayon sa ulat, nagkumpulan ang mga tao upang mapanood si billiards legend Efren “Bata” Reyes play.

Hindi nagtagal, nagkaripas ang mga tao nang dumating ang mga pulis dahil sa umano’y pustahan.



“Yung laro pala na bilyar na ‘yon is nando’n pala si Efren ‘Bata’ Reyes at ‘yung mga nanonood na nando’n na iba ay nagpustahan na,” pahayag ni Police Liutenant Colonel John Eric Antonio.

“So every set ng laro nila nagkakaroon sila ng pustahan and eventually palaki ng palaki,” dagdag ni Antonio.

Naaresto ang 19 indibidwal, kabilang ang isang menor-de-edad. Nakumpiska rin ng mga awtoridad ang P14,000 bet money.

“Talagang form of illegal gambling din yan dahil once na pumusta ka don sa laro tulad ng bilyar in exchange of bet, form of illegal gambling yan,” giit ni Antonio.

Saulay, panauhin si Reyes sa pagbubukas ng bagong new billiard hall. Pinauwi rin siya matapos imbitahan sa police station.



Ayon kay Reyes, hindi niya alam ang tungkol sa pustahan at sinabi nitong mag-iingat na siya sa mga dadaluhan niyang imbitasyon ng mga bagong binubuksang bilyaran.