Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA panayam sa kanya ng Pep.ph, kinumpirma ni Derek Ramsay na wala na siyang exclusive contract sa GMA Network. Naintindihan daw ng Kapuso network ang naging desisyon niyang mag-focus na lang muna sa buhay may-pamilya.
Sabi ni Derek: “Sa GMA contract ko, out na ako sa GMA contract ko. I was able to part ways with GMA. I had one and a half years more.
“GMA understood and really respected my wishes na, for now, ayoko na.
“Nakakatuwa kasi they granted that. They cut na my contract short and we both have much respect for one another.
“Yeah, that’s where I am now.”
Noong April 2019 nang pumirma ng kontrata si Derek sa GMA 7 after niyang umalis sa TV5.
Hindi na tinapos ni Derek ang kontrata niya sa Siyete. Kaya tinanong siya kung binili ba niya ang kontrata niya kaya nai-release siya, ang sagot niya,”I’m not allowed to talk about it, but what I can say is we have respect with one another. Talagang they understood my position.
“It’s not, like, I have anything against them or they have something against me, wala, none of that.
“They really see how happy I am with my life and they see my priorities really have changed.”
Well, kahit hindi naman mag-artista si Derek, malaki na ang ipon niya, at mula naman siya sa mayamang angkan. Sa pag-alis niya sa kwadra ng GMA 7, hindi naman nangangahulugan na tuluyan niya nang iiwan ang showbiz. Ang gusto niya lang talaga sa ngayon ay mag-focus sa buhay may asawa sa piling ni Ellen Adarna, at sa darating nilang mga anak.
Abangan na lang natin kung kelan maiisipan ni Derek balikan ang pag-arte.
***
NILINAW ni Ogie Diaz sa pamamagitan ng vlog nila ni Mama Loi, na walang katotohanan ang kumakalat na balitang mawawala na sa Darna ang alaga niyang si Kim Rodriguez base sa ipinost nito sa kanyang social media account.
Poser lang daw ito ni Kim. Hindi ang aktres ang nag-post na mawawala na siya sa Darna.
Ayon kasi sa nakasulat sa social media account kuno ni Kim na binasa ni Ogie “Papatayin na ‘yung character ko sa Darna sa September 30, 2022, Friday last day ko na. Last day ko na rin sa ABS-CBN dahil inofferan ako ng GMA na bumalik sa network nila. Tinanggap ko ang offer.”
Sabi pa ng poser, bukod kay Kim ay inoperan din daw ang manager niyang si Ogie Diaz ng Kapuso network para lumipat sa kanila.
“Ang manager kong si Ogie Diaz ay inofferan din ng GMA na lumipat sa network, tinanggap ng manager ko,” sabi ng poser.
At ang reaksyon ni Ogie rito,”Paulit-ulit ha, halatang bobita bumble bee ang sumulat nito!”
Tanong ni Mama Loi kay Ogie, “So, totoo nga ‘Nay lilipat ka sa GMA?”
“Dyosko unang-una walang alok, paano ako lilipat? Hindi po totoo, at patuloy po na nagte-taping ang Darna at sa katunayan ay nasa lock-in po ngayon si Kim Rodriguez,” pagkaklaro ni Ogie.
So there! Hindi mawawala sa Darna si Kim at hindi rin lilipat sa Kapuso network si Papa O, na tawag namin kay Ogie.