Advertisers

Advertisers

Carlo at ex-live in partner na si Trina, ‘di nagkabalikan

0 171

Advertisers

Ni BETH GELENA

SA mga nagtatanong kung nagkabalikan ba ang estranged partners na sina Carlo Aquino at Trina Candaza, hindi po.
Viral kasi ang pagsasama ng actor at ng non-showbiz girl sa social media nang.ipost nila ang kanilang larawan na magkasama sa 2nd birtthday ng kanilang anak na si Mithi.
Kontrobersyal ang paghihiwalay ng dalawa dahil ang isa sa dahilan ay hindi raw naniniwala si Carlo sa kasal at may third party umano sa pagitan ng dalawa.
Hanggang sa isinapubliko ni Trina kamakailan ang mga larawan nila nina Carlo at Baby Mithi mula sa party ng bata.
Sa YouTube Channel ni Trina, nagpaliwanag siyang on good terms sila ni Carlo.
“Yung status namin ngayon, we’re okay, nag-uusap kami. Actually, ngayon-ngayon lang kami naging okay.”
Pero di raw niya sinasara ang
posibilidad na magkabalikan sila ni Carlo.
At kung hindi man daw, okey na rin daw kung anong sitwasyon ang meron sila.
“So, okay na rin siguro na ganito. At least happy and okay kami.”
***
ALL TV PRESIDENTE TOLENTINO NAGREAK SA P500M TF NI TONI
Nagreak ang presidente ng AllTV na si Maribeth Tolentino sa laki ng talent fee umano ni Toni Gonzaga.
Kumakalat na P500M ang TF ng Ultimate Multimedia Actress.
Natanong ang presidente ng AMBS 2 kung gaano ba kalaki ang TF ni Toni sa bagong istasyon.
Aniya: “Mahirap magsalita tungkol sa talent fee. Very confidential ‘yan. Hindi ‘yan pinag-uusapan. Siguro, si Toni na lang ang dapat tanungin sa ganyan.”
Nang sabihing P500 milyon umano ang bayad saTV host-aktres.
“Hindi naman ganun kalaki!” sey ng TV executive.
Samantala, aminado si Tolentino na nangangapa pa sila sa pagbubukas ng bagong network.
“Hopefully, everything will be in its place by February next year,” sambit niya.
Pero, nagalak daw siya that there were a lot of people who watched the launch last September 13 at isa raw sa dahilan ay si Toni.
“Yes, si Toni kilalang-kilala na. So, paglipat niya sa amin, inabangan siya. Hindi kami nahirapan.”
Ganun din daw kay Willie Revillame na maraming followers.
Ibinahagi rin niyang nakikipag-negotiate pa sila kina Korina Sanchez, Ruffa Gutierrez, Aga Muhlach, Charlene Gonzales, Richard Gomez at Lucy Torres.
***
JULIA NATUMBOK ANG KAHINAAN NI GERALD
Very proud na pinost ni Gerald Anderson ang pabaong sandwich sa kanya ng girlfriend na si Julia Barretto.
Ibinahagi ng aktor ang picture ng sandwich na homemade ng bida sa Expensive Candy at saka tinag ang girlfriend.
Maging si Julia ay binahagi rin ang IG story ni Gerald sa sariling IG stories.
Di ba may kasabihan ngang, “a way to a man”s heart is through his stomach?”
Kaya sino ang nagsasabing hindi matatag ang relasyon ng celebrity couple.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More