Advertisers

Advertisers

Ex-pulis, 2 pa tiklo sa robbery hold-up

0 271

Advertisers

Naaresto ang tatlong suspek sa robbery hold-up, kabilang ang isang dating pulis sa magkahiwalay na operasyong ikinasa sa Quezon City.

Sa ulat na natanggap ni Quezon City Police District (QCPD) Director, BGen Nicolas Torre III, kabilang sa nadakip si Jeffrey Calip, 49, dating pulis ng Brgy. 511, Sampaloc, Manila. Taong 2012 ng mag-AWOL ang suspek at kalauna’y natanggal sa serbisyo.

Sa ulat, suspek si Calip sa panghahablot ng cellpone ng biktimang si Maria Elena Tichangco.
Positibong kinilala ng biktima ang suspek na nanghumablot ng kanyang gadget.
Inaresto ang suspek nsng mahuli-cam na nanghablot ng cellphone.



At batay sa kuha ng CCTV sa isang carwash shop, pumasok ang isang lalaking nakasakay sa motorsiklo sa Barangay Salvacion.

Ilang segundo lang na nanatili sa loob ang lalaki at bumwelta agad palabas at pagkatapos bigla niyang hinablot ang cellphone ng isang babaeng nakatayo sa labas ng establisyimento.

Sa follow-up operation sa Sampaloc, Manila, agad na naaresto si Calip.

Nabawi mula sa suspek ang hinablot na cellphone na nagkakahalaga ng mahigit sa P60,000. May nakuha rin sa kanya na caliber .38 na baril at isang granada.

Samantala, nadakip naman ng Galas Police Station (PS 11) sa ilalim ng pamamahala ni PLTCOL Richard Ian T. Ang ang dalawa pang suspek na sina Albert Gado, 28; at Froilan Quilente, 44 anyos, pawang residente ng Bgry. Tatalon, Quezon City.



Sa ulat, 11:30 ng umaga ng Setyembre 14, 2022, sakay ng jeepney ang ilang pasahero nang pagsapit sa E. Rodriguez Sr., Blvd., corner Banaue St., Brgy. Doña Aurora, Quezon City, sumakay ang mga suspek at kaagad na nagdeklara ng holdap.

Mabilis na tinangay ng mga suspek ang mga mahahalagang gamit ng mga biktima saka tumakas.

Naaresto naman sila ng mga nagpapatrul­yang pulis na humabol sa kanila.

Nakapiit ang mga suspek at sasampahan ng kasong Robbery at paglabag sa Republic Act 10591 o The Comprehensive Law on Firearms and Ammunition habang mahaharap si Calip sa karagdagang kasong paglabag sa RA 9516 o The Illegal Possession of Explosives.