Advertisers
Payo ng mga magulang para sa mga anak ay mag-aral para sa kinabukasan; subalit sa umpukan ng magto-tropa, hindi lamang ng mga tsuper at mekaniko kundi maging sa hanay ng mga nagsisipag-opisina ay buskahan sa saliw ng inuman ang mga litanyang “INTSIK NEGOSYO PINAG-AARALAN; PINOY MAGPAKATALINO SA PAG-AARAL PARA INSTANT MILYONARO”.., na pinatutungkulan ay POLITICIANS dahil nagiging INSTANT MILLIONAIR!
Sabagay, hindi natin masisisi ang ganiyang pananaw dahil nasasaksihan ng mamamayan na ang mga POLITICIAN ay biglang milyonaryo habang nanunungkulan o pagkatapos ng kanilang termino.. na karamiha’y “PRESS RELEASE” lamang ang kanilang ipinangangampanyang iaahon ang kabuhayan ng mahihirap.., kasi lalo pa ring naghihirap ang mga dating mahihirap.
Bakit nga ba? Kasi, ang iba’t ibang proyekto ng gobyerno na ipinangangalandakan ng mga POLITICIAN ay halos “BOGUS” dahil kinokopo ng CORRUPT OFFICIALS o POLITICIANS ang mga SALAPING PONDO.
Mainam na lamang at may ilang NON-GOVERNMENT ORGANIZATIONS ang nagkakaloob ng sinserong pag-asiste sa ilan nating mamamayan tulad ng PRESTONE PHILIPPINES na naglaan ng proyektong “”ANAK NG MEKANIKO SCHOLARSHIP PROGRAM” apat na taon na ang nakalipas.
Nitong September 14 ay idinaos ng PRESTONE sa 9F VCP BLDG., KALAYAAN AVE., DILIMAN, QUEZON CITY ang selebrasyon sa “ANG PAGTATAPOS GRADUATION CEREMONY” sa 6 na mga ANAK NG MEKANIKO SCHOLARS sa iba’t ibang mga 4-year COLLEGE COURSE sa iba’t ibang sangay ng STI COLLEGE sa ating bansa.
Ang “ANAK NG MEKANIKO SCHOLARSHIP PROGRAM” ay inilunsad kaalinsabay sa naging 90th ANNIVERSARY noong 2017 ng kompanyang MOST TRUSTED AUTO FLUIDS sa ating bansa.na PRESTONE.
“Prestone launched the Anak ng Mekaniko Scholarship Program, to give back to our unsung heroes, the auto mechanics. Through this program, Prestone wanted to give hope and to change lives through education, where the main beneficiaries are the children of our hardworking auto mechanics. Now we are more than privileged to be part of our scholar’s wonderful journey and we look forward as we celebrate their graduation with their proud parents,” pahayag ni CLOROX INTERNATIONAL PHILS, INC. GENERAL MANAGER MARITES DAGDAG.
“It seems like yesterday when we introduced the scholars of Prestone’s Anak ng Mekaniko Scholarship Program. Through this project, we made a promise that we will always be here to support them to finish their studies. It has been quite a journey and Prestone is thankful to all those who have made this program a resounding success. To all our loyal auto mechanics, you are the heroes and inspiration of our graduates,” pahayag naman ni CLOROX INTERNATIONAL PHILS, INC. COMMERCIAL DIRECTOR PAULO LAO.
Ang mga SCHOLAR na nagsipagtapos ay sina EDMAJEA H. AGUINALDO, BACHELOR OF SCIENCE IN HOSPITALITY MANAGEMENT sa STI- GLOBAL TAGUIG CITY na ang tatay nito na si EDWIN AGUINALDO ay isang auto mechanic sa BANGKAL, MAKATI CITY; B.S. in INFORMATION TECHNOLOGY sa STI-BATANGAS ang tinapos naman ni AULINDA S. BUBAN ng BRGY. SAN ISIDRO, ANTIPOLO CITY na ang kaniyang tatay na si AUGUSTO BUBAN ay isang auto mechanic para sa delivery and logistic firm.
Nagtapos naman bilang MAGNA CUM.LAUDE sa STI-NAGA si ANNA RAIZA F. DELA CRUZ sa kursong B.S. in HOSPITALITY MANAGEMENT na ang kaniyang mga magulang na sina LUISITO at ROWENA ay hinamon siyang sumali sa MISS TOURISM RAGAY 2015 na kung mananalo ay pag-aaralin ito sa STI-NAGA, na nakapag-enrol ito sa 2-year course ng INFORMATION TECHNOLOGY PROGRAM dahil sa pagkapanalo at nang matapos ay nagpursige ito sa 4-year course na kaniyang ikinabilang sa scholars ng PRESTONE.
B.S. in INFORMATION TECHNOLOGY sa BATANGAS naman ang tinapos ni CHRISTIAN DIAMANTE na ang kaniyang mga magulang ay may maliit na vulcanizing shop sa TAGOLOAN, OZAMIS ORIENTAL; sa STI-BATANGAS din nagtapos ng B.S. in INFORMATION TECHNOLOGY si MELVER L. MASANGKAY na ang kaniyang ama ay isang mekaniko sa DPWH.
CUM LAUDE naman sa kursong B.S. in INFORMATION TECHNOLOGY sa STI-NAGA ang tinapos ni HARVEY P. PLAZO na ang kaniyang tatay na si HERBERTO PLAZO ay isang mekaniko sa bansang QATAR.
CONGRATULATIONS sa mga nagsipagtapos,na kung ang Ilan sa Inyo ay mapasabak sa sirkulo ng POLITICS ay huwag nawa kayong mahawa sa kurapsiyon at sa halip ay sa inyo magmula.ang CONTENTMENT sa kung ano ang laang benepisyo sa pagiging politiko at maisakatuparan ang GENUINE GOVERNMENT PROJECTS para sa ikasusulong ng sambayanan!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.