Advertisers

Advertisers

MAPALAD NA INA NG BANSA

0 1,605

Advertisers

MASAKIT na masarap ang maging ina lalo’t biniyayaan ng anak na may angkin kagalingan. Kahit ano ang itsura hindi ipagpapalit ng ina ang anak sa ano mang bagay dahil buhay ang puhunan ng ito’y iluwal. Hindi mabibilang sa daliri kung ilan o sino-sinong ina ang pipiliin ang anak sa halip na trabaho o career. Una ang kagalingan ng anak at ang makitang mabuting kalagayan, walang iniinda at may patutunguhan ang kinabukasang sapat na sa kanya. Nariyan ang karanasan na pinili ni Nanay ang’di kataasang pwesto sa pinaglilingkuran upang sa tamang oras eh nasa bahay na’t naghahanda ng maluluto’t makakain para sa anak na galing sa eskwela.

Sa pagtatapos, nariyan na binubuklat ang mga bag upang silipin ang mga takdang aralin sa bahay ng mga anak upang matapos para sa kinabukasan. Araw-araw itong gawain, ngunit ‘di nagsasawa dahil ang anak ang nasa puso’t isip. Karaniwang eksenang ito sa mga tahanan na may working mother, tunay na nakakaiyak at nakakataba ng puso kung bibigyang pansin. Tunay na walang kupas ang pag-ibig ng ina sa anak.

Sa kabilang banda, may mga inang nagpupursige ng career sa pagnanais na maging magandang halimbawa sa anak lalo sa pagdadala ng kabuhayan ng pamilya. Hindi sinasabing pabaya ang ama subalit madalas na ang ina ang ginagawang modelo ng anak lalo’t kinakitaan ng husay sa pagpapatakbo ng pamilya na sumasalamin sa husay sa pagiging bossing sa kumpanyang pinapasukan. Hindi nagdadalawang isip na ipakita ng anak na ang pagsisikap sa buhay. Ang magampanan ng mahusay at dapat ang gawain sa tahanan at maging sa opisina’y may kaakibat na ligaya, kasaganahan, at kasiyahan. Ito bang nais ipakita ni Inday Sapak sa pamilya’t bayan?



Subalit hindi sa lahat ng pagkakataon may kahirapang pagsabayin ang dalawang bagay na may parehong kailangan ng kalidad na pagtutuon. Nariyan na nagkakaroon ng sabayang gawain na kailangan unahin ang isa sa isa. At sa pagkakataong iyon, may sakripisyong dapat gawin o pagsasaalang-alang ng maayos na resulta na ikalulugod ng anak o ng bayan. Dahil nakagawian ang maglabas ng makalidad na resulta sa ginagawa, napakadalang na parang ulan sa tag-araw na aani ng papuri sa parehong larangan. Ngunit maaring mangyari o nangyayari sa ngayon sa ilang mapalad na ina, subalit paano ang pasanin ng bayan?

Sa kabilang dako, nariyan ang maraming ina na nagtitiis dahil sa kawalan sa buhay. Hindi magampanan nang may kaayusan ang pagiging ina sa kadahilanan ng kawalan at pagkakataon. At malamang na kinalakihang kahirapang maisasalin sa anak at maging sa salinlahi. Hindi ibig ngunit gumigiya ang kinalalagyan patungo sa susunod na kawalan sa buhay. Hindi mapaaral ang mga anak kahit sabihing libre dahil parang hagdan ang dami. Ang tumulong sa asawang sa paghahanap ng pantustos sa bahay ang una bago ang eskwela. Ang maglaba o mamalantsa sa kapitbahay ang ginagawa nang may masubo sa anak na kumakalam ang tiyan. Dahil sa kung hindi kakayod, dilat ang mata ng mag-anak sa liit ng kita ng asawang pagal sa maghapong gawain. Habang ang maliit na barong-barong na masasabing may sala sa pagdami ng anak dahil tabi tabi sa kusina salang higaan. Hayun losyang na sa pagod kahit hindi pa katandaan dahil sa dami ng anak, ‘di sapat na pangastos, magulong kapaligirang mataas na bilihin at iba’t –ibang problema.



Karaniwang sitwasyon ang inilahad sa taas, inang nagsusumikap kung paano makakatulong sa asawa, sa anak, maging sa mga magulang na umaasa rito. Hindi lingid sa Pilipino ang kaayusang ito lalo sa mga taong nasa mababang uri. Pinag-aabot ang kita sa tustusin lalo’t sa uri ng kabuhayan sa kasalukuyan. Hirap na hirap ang mag-anak lalo ang ina na may hawak ng lukbutan ng tahanan. Sa totoo lang, karaniwan ang sitwasyon sa pamayanan na ang lalaki ang nagtatrabaho at ang ina’y nasa bahay. At kahit sabihing isa o dalawa ang anak, hindi magkasya ang kita dahil sa laki ng gastusin mula pagkain, upa, ilaw, tubig at iba pa. Hindi pa kasama rito kung magkakasakit.

Tunay na maraming pamilya ang dumaranas ng hirap, ngunit bakit may ilan na makikita na nabubuhay nang may karangyahan dahil sa pawis ng maraming kababayan. Walang pag-aatubili na gumamit ng salaping bayan gayung karamihan sa mga pamilyang Pilipino’y naghahabol sa kabuhayan para sa araw-araw. Nariyan na umiiyak dahil hindi kumakain, nariyan na nawala sa wisyo dahil sa gutom, nariyan na sumusugal na itinatapon ang anak dahil sa hirap. Maraming ina ang nagtitinda ng sarili para may mapakain sa anak at maraming ina na nawalan na ng pag-asa.



Subalit sa bayang ito, tila hindi patas ang dating ng kapalaran lalo sa mga ina na ang layon ang mapabuti ang kalagayan ng buhay ng pamilya lalo ng mga anak. Subalit para kang naghahanap ng aspile sa madilim na bahagi ng kabahayan. Dahil isang panaginip ang nakamtan kasaganaan na paggising wala o limot na ang lahat. Ang sarap nito, may ilang ina na kusang inabutan ng palad sa lapit nito sa palasyo at puno ng Balite ng Malacanan.

Hindi kailangan magtigil sa siyudad na pinapasukan dahil tulad ng ama, may sarili itong sasakyan na magdadala sa tahanan bago pa man matulog ang mga anak niyang mahal. Tulad ng ama, napaka payak nito sa buhay na kailangang gumastos ng tumataginting na P1.2M kada araw upang makasama ang anak sa pagtulog. Hindi pa kasama dito ang gastusin ng mga nakapaligid na alagad na makakasiguro sa kaligtasan ng ina na may intelligence fund kontra sa kalaban. At sa totoo lang, labis labis ang palad ng ina ng bayan na kung ano ang ibig ay makakamtan. Hindi lang iyon, tila inaabot ng kabilang pwesto ang nais ng hindi kumilos ang amang tamad ngunit mapanganib.

Kung susumahin, tila kabado si Boy Pektus sa kinatatayuan dahil sa walang mahusay na taga bantay bahay sakaling gumawa ng mga paglalakbay. Ang inang iiwanan sa tahanan ang tanging pag-aabutan ng kapangyarihan na sa pag-abot ng pangangailangan eh di mag-isip ng sariling kapakanan. Di bale ang bayan basta’t sa pagbalik mula sa lakbayan, may tahanan na pagdadausan ng kasiyahan.

Kasehodang sina Aling Marya, Mang Juan at ng mga anak ang pagbabayarin sa gastusin ng inang napakapalad. Hindi manghihinayang sa araw-araw na gastusing bayan para ‘di madungisan ang pagkakaibigan ngunit ipapapasan sa bayan ang kapritsong tangan. O baka pwedeng ipalasap sa lahat ng ina kahit sa ngalan ng presyong mababa ang palad ni Inday Sapak, Sara all este sana all.

Maraming Salamat po!!!