Advertisers

Advertisers

PBBM BINABASTOS NG PAIHI SYNDICATE SA CALABARZON!

0 840

Advertisers

KAILANGAN sigurong patawag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) si Philippine National Police Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. para tanungin ukol sa lantaran at pamamayagpag na operasyon ng petroleum at oil smuggling at paihi sa Region 4A, partikular sa Lalawigan ng Batangas at Quezon.

Ang di mahinto-hintong smuggling ang isa sa prayoridad ng pangulo na ideneklarang lalabanan, ayon sa kanyang State of the Nation Address (SONA) at mga mariing pahayag nito pero, tila hindi ito magtatagumpay dahil niloloko lamang siya ng ilang mga matataas na opisyales ng kapulisan.

Sa kasaysayan, si PBBM ang naihalal na presidente ng bansa na nakakuha ng pinakamalaking boto na umabot ng mahigit 31 million dahil tiwala ang taumbayan sa kanyang kakayahan na maiiayos ang Pilipinas mula sa mga problema.



Napakaraming suliranin sa bansa, pero isa sa nakikitang malaking balakid para tayo umangat ay ang kaliwat kanang smuggling na nagpapababa ng nakokolektang buwis at nakakasira sa momentum ng negosyo at ekonomiya para sa pag unlad ng Pinas.

Ang korapsyon sa pamahalaan ay kalat sa buong bansa na mismong ilang tauhan at appointees pa ng pangulo ang siyang mga pasimuno sa katiwalian tulad ng nangyayari ngayon sa Pambansang Kapulisan.



Hindi pa natin masabi kung tama ang desisyon ni PBBM sa pagtatalaga kay Gen. Rodolfo Azurin Jr. bilang PNP top honcho pero sa mga feedback mula sa netizen at mismong kay Sen Bato dela Rosa, lumalabas na hindi karapat dapat ang ilokanong heneral sa posisyon.

Kamakialan lamang ay nagbitaw ng mga salitang “ walang asim, walang arrive” ang liderato ni Gen Azurin Jr., dahil ayon sa mambabatas at dati ding PNP Chief, nagkalat ang krimen at operasyon ng iligal na hindi inaaksiyunan ng kapulisan.



Napakaraming nangyayari pero tila walang alam si Gen Azurin Jr. katulad ng oil smuggling at operasyon ng paihi sa Batangas at Quezon na nagagamit pa ang kanyang pangalan sa pangongolekta ng weekly tongpats.

Isang halimbawa na lamang ay ang malakihang operasyon ng paihi sa bayan ng Lemery at sa Lipa City.

Sa ulat, isang nagngangalang Glen ang nagpapatakbo ng paihi sa Lemery at isang alias Kap Dan naman ang paihi maitainer sa Lipa City na kapwa nagyayabang pa na nagbibigay ng weekly payola sa opisina nina PNP Region 4A Director PBG Jose Melencio Nartatez Jr. sa opisina ng PNP Provincial Director P/Col. Pedro Soliba sa Batangas City, gayon din sa opisina ng police chiefs ng Lipa City at Lemery.

Pamangkin ni PNP Chief Azurin Jr., si LtCol. Ariel Azurin, ang hepe ng kapulisan ng siyudad ng Lipa ngunit di natin maisip kung papaano ito napapalusutan ni alias Kap Dan? Kow baka naman talagang pinalulusot?

Kumpirmado na ng SIKRETA ang mga lokasyon ng lungga ng naturang sindikato sa Lipa City at sa bayan ng Lemery na pinapadrenuhan din ng isang nagpapakilalang mataas na opisyal ng National Police Comission (NAPOLCOM).

Milyon ang isinusuka ng dalawang sindikato na ito sa mga dapat bigyan ng lagay sa rehiyon, bukod pa sa weekly tong din na ibinibigay sa mga tanggapan sa Camp Crame, CIDG at National Bureau of Investigation (NBI).

Isang alias Atty. Cabral na nagpapakilala ring kaibigan at malapit kay PBBM ang itinuturo pang isa sa malaking protektor ng nasabing mga paihi ring. Si alias Atty. Cabral at ang NAPOLCOM official ang iniuulat pa na nagsisilbing tagapangtanggol o taga-ayos kapag nagkaka problema ang dalawang paihi group.

Samantala, apat namang grupo ng paihi syndicate ang nag-ooperate sa ilang lugar sa lalawigan ng Quezon, tatlo sa mga ito ay matatagpuan sa bayan ng Candelaria na inooperate ni alias Lito, Brgy. Lalig sa bayan ng Tiaong na pinatatakbo ni Lani at Brgy. Talim, Eco Road, Lucena City na minamantine ni alias Bobby.

Sa nangyayaring walang pakundangang paihi operasyon na ito, malinaw na tila binanastos na ang Pangulong BBM na galit sa oil at paihi operation, hindi lamang ng mga nasa likod nito kundi ng mga taong kanyang pinagkatiwalaan at iniluklok sa puwesto tulad ni DirGen Azurin Jr., PBGen. Nartatez Jr. at Cabral na itinalaga sa isang juicy position sa PBBM Administration.

Hindi pa nga naaaksyunan ni Gen. Nartatez Jr. ang problema sa drug/gambling operation sa Tanauan City, at sa bayan ng Silang, Cavite, ay ito na naman ang panibagong isyu na nakakasira sa imahe ng kapulisan sa CALABARZON?

Talaga nga bang takot na takot si PBG Nartatez Jr.sa mga ilegalita tulad ng kanyang boss na Gen. Azurin Jr.?

***

Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com.