Advertisers
DALAWANG bagay ang nais ng sambayanan sa usapin ng serbisyo sa kuryente: una, walang blackout; at pangalawa, mababang singil. Tinalakay ang mga paksang ito sa mga nakalipas na public hearing ng dalawang sangay ng Kongreso na pawang dinaluhan ng mga opisyal ng gobyerno at panauhin mula sa industriya ng enerhiya.
Sa Senado, napatunayan sa pagsisiyasat na hindi lang ang mataas na presyo ng kuryente ang usapion kundi ang kakulangan ng serbisyo sa Occidental Mindoro at ibang lalawigan. Hindi napapansin ang kanilang nakakalungkot na sitwasyon dahil nakatuon sa Metro Manila ang mata ng publiko.
Mabuti sana ang mga ganitong pagkakataon sa paghahanap ng mga agaran at pangmatagalan na solusyon. Sa kasamaang-palad, sa pag-akit sa publiko, may ilang opisyal na pinipilit gawing napakasimple ang mga teknikal na bagay sa industriya ng enerhiya.
Nangyari ito sa pagdinig kamakailan ng Kamara de Representante sa panukalang badyet ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa ilalim ng panukalang pambansang badyet na P5.8 trilyon sa 2023. Iginiit ni Rep. Dan Fernandez (National Unity Party, Sta. Rosa City) ang kanyang opinyon na dapat ibaba ng ERC ang weighted average cost of capital (WACC) ng mga pribadong kompanya sa industriya ng enerhiya. Pinagbintangan ni Fernandez ang mga kompanyang tulad ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na sobra-sobra ang sinisingil.
Nakaliligaw ang mga argumento ni Fernandez dahil pilit niya pinasimple ang isang teknikal na bagay tulad ng WACC. Mahalagang halaga ng kapital ang WACC. Itinatakda ito ng ERC sa mga kumpanyang tulad ng NGCP at iba pang mga utility upang masiguro ang kita at patuloy na operasyon. Maaaring bawasan ng gobyerno bilang regulator ang WACC ng mga kompanyang utility. Kinakatawan ng WACC ang dapat na suma-tutal ng kapital na maaaring ibuhos ng isang kumpanya sa pagtatakda ng halaga o presyo ng kuryente na sinisingil sa publiko.
Ayon kay Fernandez, hindi investor-friendly ang Filipinas at malamang na iwasan ng mga mamumuhunan ang bansa dahil sa mataas na power rates na dala ng WACC. Nais niya ng mas mababang WACC na mula 6% hanggang 7%. Alam kaya ni Fernandez na ang pagtiyak sa katatagan at integridad ng buong sistema ng kuryente ng bansa ay nangangailangan ng malaking puhunan at magiging posible ito sa isang makatwirang WACC?
Hayaan ninyo na ipaliwanag namin ang isang teknikal na isyu na hindi agad mauunawaan ng ating mga kababayan sa usapin ng presyo ng kuryente. Ito ang paraan upang malaman kung paano maging makatwiran ang halaga ng kuryente sa bansa.
Itinakda ng regulator ang mga layunin ng WACC para sa NGCP at mga kompanyang distribution utilities (DUs) na hikayatin at gantimpalaan ang kahusayan sa ilalim ng Performance-Based Regulation (PBR), ang sistema ng epektibong pagtatakda ng mga pamantayan para sa NGCP at iba pang mga utility upang tiyakin ang maaasahang kapangyarihan para sa benepisyo ng kuryente mga mamimili.
Ang WACC na mas mababa sa 10% ay magkakaroon ng net return after tax, o kita pagkatapos sumahin ang mga bayarin sa buwis, na humigit-kumulang 7.5% o mas mababa pa. Ito ay hindi makatwiran upang palawigin ang operasyon ng mga kompanya sa industriya ng enerhiya dahil mahihirapan silang magbayad sa utang at interes nito na nagkakahalaga ng mula 6% hanggang 7%. Nagpasya ang Korte Suprema na ang isang makatwirang pagbabalik para sa mga utility ay dapat hindi bababa sa 12%!
Hayaan ninyo ipaliwanag pa namin ang WACC para sa kaliwanagan ng pag-iisip ni Fernandez.
Kahit pumalo ang inflation, o ang pagtaas ng halaga ng mga bilihin, sa 6% o higit pa, hindi sasapat ang mas mababang WACC para sa mga namumuhunan. Sa mas mababang WACC, ililipat ng mga mamumuhunan ang kanilang kapital sa ibang mga instrumento tulad ng mga Treasury Bills o bonds o ilalagay ang pera sa mga bangko sa halip na gastusin ito sa mga capital project na nagpapahusay sa kanilang operasyon at serbisyo sa mga customer.
Itataboy ng mababang WACC ang mga mamumuhunan sa halip na akitin para mamumuhunan sa industriya ng kuryente. Ninipis ang mahusay at tuluyang supply ng kuryente sa bansa.
Mas binibigyan diin ang pangangailangan ng pamumuhunan ng sapat at pagpapalakas ng transmission system ng bansa ang deklarasyon ng red at yellow alerts ng NGCP sa Luzon grid noong Setyembre 12. Mas magiging posible ito kung ang grid operator ay mabibigyan ng kakayahan pinansyal. Magiging problema ang hindi makatotohanang WACC hindi lang sa NGCP at sa buong industriya ng enerhiya, kundi pati sa mga consumer o ang publiko.
Hindi ito patas sa anumang negosyo. Partikular sa mga power company na kinokontrol ng gobyerno sa paghahatid ng mga pangunahing mahahalagang serbisyo. Hindi patas na bigyan sila ng taripa na sapat lamang upang bayaran ang kanilang utang na humigit-kumulang mula 6% hanggang 7%.
Kung nais niya ng mas magandang paliwanag, dapat maupo si Rep. Dan Fernandez kasama ang lahat ng power player, kabilang ang kanyang National Unity Party-mate na si Ricky Razon, ang may-ari ng MORE Power na may parehong WACC na 14.97%.
Si Razon ay nagmamay-ari din ng ilang mga kumpanyang na ginagamit ang WACC bilang basehan sa pagsuma ng kanilang tubo. Kaya dapat niyang tanungin si Razon kung handa siyang mamuhunan sa ating bansa na may WACC na mas mababa sa 10%, o mas masahol sa 6-7%.
Hahantong ang pagpapababa nga WACC sa mas kaunting pamumuhunan, masamang serbisyo, at mas mataas na singil ng kuryente. Taliwas ito sa programa ng pamahalaan na maghikayat ng mga mamumuhunan at makapagbibigay ng trabaho sa maraming Pilipino.
***
MGA PILING SALITA: “From Justice Antonio Carpio re Pres. Bongbong Marcos’ claim that they were abroad and not given the chance to argue their side: ‘The BIR notices of tax assessment were issued to and received by Imelda Marcos after the Marcoses returned to the Phil from exile.'” – Nico Garcia, netizen
“Toni Gonzaga may deem herself at the height of her career, but the way she exhibits herself and emotes her line of thought, her persona is stuck in the diaspora of her wildest dreams. Whatever talent she displays can not anymore show luster, nor wit she expresses can spell grace.” – Jed Q Cepe, social critic, netizen
“Dati daw, naiiyak ka sa paghiwa ng sibuyas. Ngayon, pabili ka pa lang naiiyak ka na.” – Fr. Nongnong, netizen, kritiko